Episode 23: May: Daddy Issues

November 5, 2021

"Sa panahong ito, hindi ko pa alam ang pakiramdam ng pagkakaroon ng tatay."

Sa epideo na ito, tampok ang kwento ni May na isang Grade 12 student na nangangarap na magkaroon ng isang tatay. Gusto niyang maramdaman ang feeling na pinapagalitan kapag late na umuuwi at marami pang iba.

Relate ka ba sa kwento ni May, Kabisyo? Kumusta naman ang relasyon mo sa mga magulang mo? Kung iisipin, ma-swerte pa rin tayo dahil sa mayroon tayong tatay at mayroon din tayong nanay. Bakit? Dahil 'yung iba, wala.

Magpasalamat tayo sa presensya ng ating mga magulang. At malamang din, Kabisyo, sapat na 'yung presensya natin para mapasaya rin sila. Bonus na siguro ang mga materyal na bagay na kaya nating ibigay sa kanila pero ibang klase pa rin kung kabutihan asal at genuine na pagmamahal ang ibinibigay natin sa kanila.

Well, ano kayang confessions ng Tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper pagdating sa kanilang mga naging experience noong kabataan nila? Antabayanan 'yan dito sa #TambalanPodcast.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.