Episode 22: Irish na Cancer Survivor

November 2, 2021

"Since I got sick, He sends me angels that help us pay the bills."

Kabisyo, ano ang pinakamahirap na pagsubok ang napagdaanan mo sa tanang buhay mo? Isa na siguro sa mga pinaka-masakit sa puso, pinaka-masakit sa katawan, at pinaka-masakit sa bulsa ay ang pagkakaroon ng malubhang sakit.

Minsan, kapag dinapuan ka ng malubhang karamdaman, maiisip mo na lang na, "Bakit ako?" Lalo ngayong mayroong pandemya, maraming nagkakasakit. Sa dami ng mga nagkakasakit, may mga hindi na nakakapasok ng ospital, at may mga hindi na rin inaabutan pang buhay sa pagamutan.

Sa episode na ito, mapapakinggan natin ang pagsubok na hinarap ni Irish, lalo na ang pakikibaka niya sa sakit na cancer. Sa sobrang dami niyang napagdaanan, paano niya kaya kinaya ang lumaban?

Pakinggan ang episode na nakapagpa-tahimik kay DJ Nicole Hyala at nakapagpa-tameme kay Chris Tsuper ng very very light. Pakinggan mo na 'yan dito sa #TambalanPodcast .

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.