Episode 21: How to Handle Monster-in-Law

October 25, 2021

"Why do they treat me like trash?"

Isa na siguro sa mga pinaka-challenging na bagay sa buhay pag-aasawa ay 'yung pakikitungo sa mga 'in-laws' or 'yung mga tinatawag nating mga biyenan, ang mga magulang ng asawa mo. May kasabihan nga din tayong mga Pilipino na kapag tayo ay nagpakasal sa isang tao, hindi lamang siya ang ating pinakakasalan, kundi pati na rin ang kanyang pamilya.

Pero agree ka ba Kabisyo, na isang malaking factor kung bakit nagkakaroon ng friction ang mga biyenan at manugang ay dahil sa pagsasama nila sa iisang bubong. Isa pa siguro sa mga dapat isaalang-alang ay ang pag-set ng boundaries sa mga bagay-bagay. Tingnan natin kung na-apply 'yan ng ating letter sender sa episode na ito.

Kwento ni Vi ang tampok sa episode na ito. Ang problema niya tungkol sa kanyang mga 'monsters-in-law' dahil feeling niya ay hindi na siya nire-respeto ng mga ito.

Ano kaya ang masasabi ng Tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper? Makakatulong kaya sila sa problema ni Vi? Pakinggan mo 'yan dito sa Episode 21 ng Spotify Exculsive na Tambalan Podcast!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.