Episode 20: Bakit Ako?

October 15, 2021

"Bakit ako? Bakit 'di na lang iba?"

Kabisyo, ramdam mo ba ang hirap ng buhay ngayon? 'Di ba mayroon ngang pandemya, tapos kung minsan, wala ka pang trabaho, hindi ka makapaghanap buhay, wala kang maiuwi sa pamilya mo. Pero paano pa kaya kung mayroon kang malubhang sakit?

May malubha kang sakit, pero nananatili kang matatag sa buhay. Ano o sino ang source ng katatagan mo? Ano o sino ang inspirasyon mo? Kanino ka kumakapit? Para kanino ka kumakapit?

Inspirasyon ng ating Tambalanista natin ang miracle story nina Nicole Hyala at ng kanyang anak na si Princess. Sa kabila ng malubhang karamdaman, mas lalong lumalakas ang loob ng ating letter sender kapag nakikita niya ang mag-ina.

Ano nga ba ang kwento ng ating Tambalanista this week? Pakinggan ang Episode 20 ng Tambalan Podcast kasama sina Chris Tsuper at Nicole Hyala.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.