Episode 19: Pangarap na Tsikot

October 12, 2021

Kabisyo, mayroon ka bang sasakyan? Or baka naman, mayroon ba kayong family car?

Malamang ang bagay na 'yan na mayroon ka ay bunga ng dugo at pawis na ibinuhos mo sa pagta-trabaho o sa negosyo na [atuloy ninyong itinataguyod. Ito naman ay pangarap para sa ilan dahil sa lumaki sila sa hirap, commute ang tangi nilang naging sandigan habang nag-aaral o habang nagta-trabaho.

Well, Kabisyo, totoo naman na sa hirap ng commuting sa ating bansa sa panahon ngayon, hindi mo talaga maiiwasang mangarap na mag-may ari ng isang sasakyan. Simple man ito sa paningin ng mga yayamanin nating mga kapitbahay, dream come true ito para sa letter sender na si Michael na isang high school student ngayon.

Tulad ba ni Michael, anu-ano kaya ang mga munting pangarap nina Nicole Hyala at Chris Tsuper noong bata pa sila at wala pang kakayahang gumastos para sa mga ganitong bagay? Kinig-kinig na sa Episode 19 ng Tambalan Podcast and feel the nostalgia of your childhood, Kabisyo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.