Episode 18: Walk of Life

October 4, 2021

"Find a job that you love and you won't have to work a day in your life."

Naaalala mo pa ba ang Third Year at Fouth Year mo noong High School ka? 'Di ba 'yan ang mga moment na na-pressure ka na ng mga magulang mo, kamag-anak mo, mga kaklase, at mga kaibigan mo, na pumili na ng course mo sa college. Medyo okay pa nga ngayon, mayroong K+12, mayroong senior highschool, at least natutulungan kang mag-decide kung anong tatahakin mong landas sa kolehiyo at sa darating na buhay.

Ganyan ang naging problema ng ating letter sender para sa episode na ito. Sa dami nga naman ng career na pwedeng mong tahakin at pasukan, medyo malilito ka na nga. Pero isa lang naman ang totoo, ibang iba ang totoong buhay sa tunay na mundo. Hindi ito katulad ng iniisip natin noong nag-aaral pa lamang tayo o noong bata pa tayo.

Sa dami ng career na sasalubong sa'yo sa 'real world,' paano ka nga ba makasisigurado kung ito na ang 'The One?' Naks, parang jowa lang noh?

Pakinggan ang career dilemma na kakaharapin ni Nick ngayong papalapit na ang kanyang college life! Ano kaya ang say ng Tambalan tungkol dito? Nahirapan din kaya mag-decide sina Chris Tsuper at Nicole Hyala noong bata pa sila? Dito lang 'yan sa Episode 18 ng Tambalan Podcast.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.