Episode 17: Father, I’m in love!

September 25, 2021

"Minsan alam naman natin 'yong kahihinatnan ng gagawin natin pero pinipilit pa rin nating gawin."

Kabisyo, katulad ka ba ng ating letter sender na si Lena? Isang church worker. Isang taong naglilingkod sa Diyos. Inilalaan niya ang kanyang oras at lakas para makapaglingkod sa Simbahan. Pero one day, 'yung lakas at oras niya ay kay Father na niya nailalaan.

Isang heartbreak sa isang church worker ang paglipat ng isang pari papunta sa ibang parokya. Nagiging heartbreak ito kung ang pari ay isang napakabuting pari. Mahal ng komunidad ang isang pari kung naging inspirasyon ito sa kanila habang ito naglilingkod sa kanilang lugar. Pero si Lena, iba. Halos gumuho ang mundo niya dahil may gusto siya kay Father.

Pakinggan ang handog ng Mahiwagang Burnay na kwento ni Lena na na-inlove nga kay Father. Hahayaan mo bang mag-grow ang nararamdaman mo sa isang taong maling mahalin? Ang nga ba ang tamang gawin kapag si Father ay kailangan nang umalis?

Alamin ang say nila Nicole Hyala at Chris Tsuper dito lamang sa Episode 17 ng Tambalan Podcast!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.