Episode 16: Help!

September 18, 2021

"Una, do whatever that makes you happy. Pangalawa, you plan it."

May mga tao talagang ipinanganak o marahil ay itinadhana para harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay. Malas man kung tatawagin pero kahanga-hanga sila sapagkat kayang-kaya nila ang bigat ng buhay.

Isa ang ating letter sender sa ganyang klaseng buhay ang hinarap sa kanyang buong buhay. Pinagdaanan ni Sushi ang lumaking walang ama. Dahil sa kagustuhan niyang sundan at hanapin ito sa Canada ay nagpursige siya at nag-aral mabuti.

Pero isang araw, may isang mabuting tao na bumago sa daloy ng buhay niya. Ganito yata siguro ang ganti ng tadhana kapag kitang kita naman ang sakrpisyo at paglago na ating nagawa habang sanay na sanay sa hirap ng buhay.

Gusto mong malaman kung sino ang bumago sa buhay ni Sushi? Gusto mo rin ba malaman ang kwento nila Chris Tsuper at Nicole Hyala. Pakinggan mo nang buo ang Episode 15 ng #TambalanPodcast!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.