Episode 15: Manloloko

September 10, 2021

"Ikaw ba 'yung niloko o ikaw ang nanloko? Ikaw 'yung na-two time o ikaw 'yung nang two time?"

Paano ba natin kalkulahin ang mga pagkakamali ng mga tao sa atin? Depende ba 'yan sa relasyon? Depende ba 'yan sa samahan? O depende ba 'yan sa bigat ng ginawa sa'yo?

Ang ating letter sender para sa episode na ito ng Tambalan Podcast ay marahil biktima ng boyfriend niyang niloloko lamang siya nang paulit-ulit. Nahuhuli niya itong mayroong ibang babae, 'yung isa ay bestfriend pa niya. Ang idinadahilan pa sa kanya kapag huling-huli na eh dahil naakit daw siya. Galing noh?

Totoo namang hindi lahat ng tao ay kayang magbigay ng second chance, lalo na kung paulit-ulit lamang ang dahilan.

Antabayanan ang kwento ng ating certified Tambalanista na si Sarah. Ano naman kayang lessons ang ihahandog sa atin ng Tambalan tungkol sa mga paraan para maging exciting ang relationship? Abangan dito sa Episode 15 ng #TambalanPodcast .

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.