Episode 14: Kape Tayo!

September 6, 2021

"What good experience can you give to yourself everyday?"

Handog ngayon ng Kwento ng Mahiwagang Burnay ang tungkol kay Ruffa na may sinasabe tungkol sa kape na dati ay tila hindi niya maintindihan kung bakit gustong gusto ng kanyang tatay.

Mahilig ka rin ba sa kape, Kabisyo? Marahil, 'yung iba sa atin ay araw araw umiinom ng kape. 'Yung iba siguro ay ginagawa pang tubig ang kape. 'yung iba siguro sa atin ay masaya na sa 3-in-1 na kape, meron din namang masaya sa mga PhP 200 coffee.

Bakit ka nga ba nahihilig sa kape? May mga tao na nagre-relax habang nagkakape. Minsan 'yung iba, sinasabayan pa nila 'yan ng pagbabasa ng diyaryo, ng libro. Meron nga ring iba na ginagawa 'yung not so good combination of coffee and cigar.

Marami tayong dahilan, pero masarap talaga mag-kape. Pero tandaan mo lang Kabisyo na may mga benepisyo 'yan, meron din namang hindi magandang epekto kapag sobra. Sana inspired ka lagi kapag umiinom ng kape. Sana renewed person ka na matapos mong uminom ng kape.

Mapapakinggan mo sa episode na 'toang iba't ibang nostalgic experiences na maaari nating maranasan, pati na rin ang mga experiences na magbibigay sa atin ng lesson. Pakinggan mo lang 'yan dito sa Episode 14 ng #TambalanPodcast.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.