Episode 13: Princess Nicole Hyala

August 31, 2021

Mga Kabisyo, sa episode na ito, nag-share si Nicole Hyala ng kanilang experience nang magkasakit ang kanyang panganay na anak na si Princess Nicole Hyala.

Challenging ang naging sakit ni Princess, dahil Encephalitis iyon, naging life-threatening siya para sa bata. Unexpected, nakakagulat, sa isang iglap ay bigla na lamang nagbago at nag-iba ang lahat.

Siyempre bilang isang magulang, bilang isang ina, naging masakit at mahirap kay Nicole Hyala na makita ang kanyang anak na nakaratay dahil sa sakit. Dumating na rin sa punto na hindi na niya alam ang gagawin at sumagi na rin sa kanya ang iba't ibang klaseng regrets dahil sa pangyayari.

Isa sigurong mahalagang naging lesson nitong istorya na ito 'yung lagi nating pagkapit sa Diyos. Laging sinasabi sa'tin ni Nicole Hyala na baka minsan matulad tayo sa kanila na nakakalimot na rin. Isa pang gustong ipakita ng experience na ito na walang imposible, miracles do happen lalo na kung patuloy tayong nagtitiwala sa Maykapal.

Pakinggan ang nakakaiyak at the same time na nakaka-inspire na sharing ni Nicole Hyala tungkol sa isang mabigat na hamon sa kanilang buhay pamilya dito lamang sa #TambalanPodcast.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.