Episode 12: Tambalan Podcast

August 20, 2021

"Gusto ko na siyang ibaon sa limot, pero bakit naaalala ko pa siya?"

Isang siguro sa mga sakit ng mga tao pagdating sa usapang pag-ibig ay 'yung usapin ng pagmu-move on. Lalo na siguro sa ating mga Pilipino, kitang kita natin kung gaano nakakaapekto sa pamumuhay natin 'yung hindi natin pag-let go sa taong hindi na natin mahal.

Ano ba kasing factor kung bakit hindi ka agad maka-move on? Daks ba siya? Pinaligaya ka ba niya nang lubusan? Dinala ka ba niya sa heaven? Legal ba kayo sa mga magulang mo? Gusto ka ba ng parents niya? Naging matagal siguro ang relasyon ninyo? Sa sobra sigurong tagal nito ay maraming memories ang nabuo?

Sa kaso ng ating letter sender para sa episode na 'to, pwede mong maitanong Kabisyo noh, na gaano ba talaga kahirap mag-move on sa isang long term relationship? Paano kapag may bagong mahal ka na tapos naaalala mo pa ang Ex mo?

Pakinggan ang kwento ng Tambalanistang si Shiela at tingnan na rin natin ang say ng Tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper dito lang sa #TambalanPodcast !

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.