Episode 10: In Love with Bestie

August 10, 2021

"Sabi ng marami, the best relationships start with friendship."

'Yung story natin ngayon ay ang story ni Angie. Best friend niya si Jay at high school pa lamang ay super close na sila. Bakla si Jay. Karamay niya ito sa lahat ng bagay.

Pero isang araw, nagkasama sila sa condo ni Jay. After ng isang birthday party naman, dahil pareho silang lasing ay nagkaroon ng umaatikabong na halikan at hipuan. Dahil dun nagbago ang tingin niya kay Jay. Naulit pa umano ang mga bagay na iyon.

Ano nga ba ang dapat gawin kapag in love ka kay best friend? Jojowain o totropahin? Willing ka bang mag-risk for the relationship o mananatili na lang na hanggang friendship?

Pakinggan ang buong kwento ng pagka-inlove at complications nina Angie at Jay. Alamin mo na rin, Kabisyo, ang say nina Nicole Hyala at Chris Tsuper dito lamang sa #TambalanPodcast !

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.