‘Yung “Sana all” ko dati, naging “Thank you, Lord”

May 4, 2021

Hi DJ Raqi. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Sam. I’m 20 years old and I have 1 daughter. Bata pa lang ako, mahilig na ako makinig ng mga Secret Files mo. Halos napakinggan ko na ang mga Secret Files na na-kwento mo. Minsan pa nga, naiiyak ako at nai-imagine ko pa habang nakikinig ako. This is my first time na ma-kwento ang story ng buhay ko. Kaya sana ma-notice niyo ako.

So ito na nga, bago ko makilala ang lalaking nagpa-bago ng buhay ko at ang lalaking gusto ko na makasama habang buhay, unahin ko munang i-kwento ang mga napagdaanan ko. Nagkaroon ako ng BF when I was 14 years old. He’s the father of my daughter. Siya ‘yung lalaking nakauna sa’kin sa lahat na talagang sobrang kinabaliwan at minahal ko.

Dahil nga mga bata pa kami noon, akala ko siya na ang makakatuluyan ko. Binigay ko lahat. Naubos ako. Masaya naman kami noong una pero kasi siya ‘yung tipo ng lalaki na alam mong wala kang magiging magandang buhay. Puro barkada, bisyo, pangba-babae at sabong ang alam. Pero dahil nga mahal ko siya, tiniis ko kahit alam kong ayaw na niya sa’kin.

Until one day, nalaman namin na buntis ako. On and off kasi ang relasyon namin noon. Nung nalaman kong buntis ako, hiwalay na kami ng one week. Then, sinabi ko agad ‘yun sa mga kapatid niya. At ang kuya niya ang nagsabi sa kanya. Pero ayaw na niya sa’kin. Wala akong idea kung bakit. Akala ko, magiging okay pa kami dahil nga buntis ako. Pero nung nakita ko ‘yung reaksyon niya, talagang napaiyak ako. Dahil kitang kita ko sa mga mata niya na ayaw niya at hindi niya gusto na ako ang maging ina ng anak niya.

I don’t have any idea kung bakit. Bakit ganon? Halos binigay ko na lahat sa ilang taon namin. Hindi niya ba na-realize ‘yung pagtitiis ko sa mga sakit na ginawa niya sa’kin?

Until one day, nalaman ko ‘yung dahilan kung bakit ayaw na niya talaga. He’s trying to win his ex back. Kasi nakita niya, gumanda na at mayaman. At ‘yun ‘yung gusto ng iba niyang kapatid. So tinanggap ko na lang. So to make this story short, pinanagutan niya ‘yung bata pero hindi ako.

Nung nalaman nung ex niya na buntis ako, hindi na siya binalikan. Ang alam ng family ko at ng ibang tao, okay kami. Sinasamahan niya ako sa mga check-ups ko.

Until one day, June 28, 2018, it was his birthday. Nakaramdam ako ng kaba. Bigla ko siyang naisip. Tapos biglang nagulat ako, pumunta siya sa bahay namin ng madaling araw. Naka-motor, may sugat ang mukha, walang tsinelas at naiyak-iyak siya ng makita niya ako.

Sabi ko bakit? Ano nangyari bakit puro sugat ka. Sabi nya “Nakasaksak ako kasi pinagtripan ako. May mga pulis nagtago ako.”

So ako, ‘di ko alam gagawin ko. Gustuhin ko man siya na sa’min na lang magtago, hindi ko magawa kasi that time, nakikitira lang ako sa bahay ng tita ko at galit sa kanya ang mga tita ko. Kaya sinundo din siya that day ng Ate niya sa bahay namin. Iniwan ang motor niya sa’min at pinatago. I don’t remember kung ilang buwan na ang tiyan ko that time. Inupa siya ng dorm ng kuya niya sa Sta. Mesa. Puro kami VC. Kinakamusta ko siya at miss na miss ko siya that time.

Until one day, nalaman ko na lang na maga-abroad pala siya sa UAE. At natuloy ang paga-abroad niya. Nung una, masaya ako kasi sabi ko, magkakaroon na ng future ang anak namin at makakaipon na siya. Hindi pa rin malinaw kung kami ba or hindi. Ayoko siyang tanungin kasi hindi ako ready sa isasagot niya. Basta para sa’kin, tinuring ko siyang asawa kahit malayo sya.

Until one day, kinutuban ako. Dec 5, 2018 lumabas na ‘yung baby namin. He never posted a picture of our daughter. Parang hindi niya pa kayang ipangalandakan na may anak na siya.

At nalaman ko, may babae siya sa ibang bansa.

 

Sundan ang Secret File Story ni Sam, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.