“Walang may gustong sumugal sa aming dalawa.”

June 23, 2022

“Walang may gustong sumugal sa aming dalawa.”

Dear DJ Raqi,

Walang may gustong sumugal sa aming dalawa.

I have been an avid fan of you and your show since 2017. I even found myself na binabalikan yung ibang stories mo through YouTube. And I never thought that one day I will share my story about someone who happens to be my TOTGA.

Just call me Kaye.

Year 2015. A year after ko maka-graduate. Wala pa sa utak ko ang magreview para sa board exam kaya nag-apply ako noon sa Makati just to explore city life.

Doon ko nakilala si Benj, isa siyang Ja-pinoy at anak ng landlady sa boarding house where I am staying.

May boyfriend ako that time who happens to be staying on the same boarding house. At may girlfriend din siya na nakatira din doon sa boarding house. So in short, magkakakilala kami.

Months went on at naging close kami ng gf niya dahil magkaparehas kami ng pangalan. Ako si Kaye with K at siya naman si Caye with a C.

Gumigimik kami every Wednesday since ladies night yon kung tawagin sa isang bar. Tuwing Friday’s at pati na rin ‘pag Saturday.

One night, nakita na lang namin ni Benj ang sarili namin na nakaupo sa gutter ng kalsada sa tapat ng boarding house at nagiiyakan. We were both broken dahil iniwan kami ng mga karelasyon namin.

Ako? Iniwan ako ng boyfriend ko at bumalik sa ex niya. Samantalang siya naman iniwan ay iniwan ng girlfriend niya dahil may boyfriend pala ito na naiwan sa probinsya.

We were drunk and lost all at the same time.

Sabi niya, “Kaye pasok ka na. Masyado ng malamig. Baka umatake ang rhinitis mo”

Sabi ko, “Hindi pa ako inaantok.”

“Gusto mo bang sa kwarto ko na lang muna magstay?”

And I said yes.

Pagpasok sa kwarto niya ay humiga lang kami parehas sa magkabilang dulo ng kama. Nagpatugtog siya ng kanta. We were just silently listening to the song.

Then dahan dahan akong tumingin sa kanya. Nagulat ako ng makita na nakatingin pala siya sa akin. Nagtagpo ang mga mata namin.

Then he said, “Please dont look at me like that.”

Iba ang naramdaman ko sa sinabi niyang yon kaya tumayo ako bigla bago nagsalita. “Madaling araw na. Uuwi na ako.”

Nung nasa pinto na ako laking gulat ko ng pagpihit ko ng doorknob ay may humawak sa balikat ko.

“Kaye, wait lang.”

Iniharap niya ako sa kanya at saka niyakap ako ng mahigpit. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan.

The next thing I know ay ginagawa na namin ang bagay na hindi dapat.

But in the middle of that, bigla siyang tumigil. And I felt tears na bumabagsak sa dibdib ko. Dumagan siya sa akin and said, “Im sorry Kaye. Hindi ko kaya.”

Naiyak na rin ako dahil naramdaman ko rin yung pain niya. After a few minutes ay tumayo na ako and said, “I shouldn’t be here Benj. Uuwi na ako.”

Pinagbuksan niya ako ng pinto pero bago ako makalabas ay muli niya akong hinalikan sa mga labi. The kiss was quick but I felt his sincere apology with that kiss.

Days went on at patay malisya kaming dalawa at pinili na lang kalimutan ang nangyare. Madalas pa rin kaming magkausap.

We have the same vibe. Mahilig kami sa music. Gustong gusto namin mag-jamming sa pag gigitara. He was that kind of guy na hindi ka mauubusan ng paguusapan.

Anything under the sun. His thoughts could make you argue with your own perspective sa mga bagay bagay.

Pero hindi ko na kaya dahil each passing day parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya or dahil lang sa malungkot ako and he was there. Gulong-gulo ako kaya pinili kong magresign sa trabaho at umuwi na lang ulit sa probinsya.

2 years had passed at nagkita kami ulit dahil sa birthday ng isang common friend. Pareho kaming single that time. Kinuha niya ang number ko at madalas kami magkausap.

Then biglang naramdaman ko na hindi parin pala nagbago ang lahat sa aming dalawa kahit dalawang taon na ang nakalipas. Pero natatakot akong magcommit dahil may trauma pa ako from my recent breakup. At ramdam kong wala rin siyang balak na magcommit dahil palagi niyang sinasabi na ayaw niya ng LDR.

Babalik na kase siya ng Japan to finally meet his Dad, nagaasikaso na siya ng papers niya. So unti-unting naging madalang yung paguusap namin hanggang sa naging seen na lang ang mga chats sa FB.

Aug 2018, nagchat siya sa akin asking if pwede ko raw ba siyang samahan na manuod ng sine at kumain ng quesadillas.

Pinilit niya ako dahil alam niyang kaya ko rin siyang puntahan dahil parehas na kaming may sasakyan noon. But I refuse and said no. Dahil natatakot akong magcommit dahil alam kong aalis na siya. Ayoko rin ng LDR e. Not knowing na yun na pala ang huling araw niya dito sa Pilipinas at ako ang gusto niyang makasama. We stayed connected kahit nasa Japan na siya.

Sundan ang kwento ni Kaye dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.