Wala na ang anak ko | Raqi’s Secret Files

March 15, 2023

“Ang hirap mag-let go.”

Magandang araw, DJ Raqi!

Ako po si Joy, 31 years old, and currently working po rito sa Middle East. Gusto ko lang po ibahagi sa inyo ang aking kuwento. Sana po ay mapagbigyan niyong basahin dahil sa totoo lang po ay kailangan na kailangan ko lang mailabas po ito at para matulungan niyo rin po ako  para malampasan ko ang pagsubok na ito.

Bata pa lang po ako ay subok na subok na kami sa iba’t ibang problema sa buhay. Nagsimula ’yun nu’ng iwan kami ni Papa para sa mayamang babae. Tinalikuran niya kami at nabuhay siya na parang walang anak. Kahit nga magmakaawa ’ko noon sa kanya na tulungan ako, ang lagi niya lang sasabihin, wala siyang pera. After nu’n, magpapalit na siya ng sim at ’di na namin sya ulit ma-co-contact. Naging cycle ’yun hanggang magtapos ako ng college. Mapagbigay siya sa pamangkin niya at mga kapatid niya, pero ’di ko alam, pagdating sa amin, hirap na hirap siyang magbigay.

Kaya ipinangako ko sa sarili ko na magsisikap ako at never nang magpapakababa para humingi ng tulong sa kaniya.

Awa ng Diyos, nakapagtapos ako ng college at nakapagtrabaho agad sa isang center sa amin hanggang sa nalipat ako ng trabaho sa Manila. Naging tuloy-tuloy ang paggaan ng buhay namin, DJ Raqi. Nakakakain na kami ng three times a day. Nakakakain na rin kami sa labas at nabibilhan ko na rin sina Mama ng gamit nila, pero dahil ’di naman kalakihan ang sahod ko ay nagdesisyon akong mag-abroad para matupad ko ’yung pangarap namin na magkaroon ng sariling bahay. Sa unang taon ko rito sa Dubai, naging maayos naman. Nakapagsimula ako kahit papaano. Nakapagpadala ng malaki at kahit papaano, may na-invest na. Bago ako lumipad dito, may boyfriend ako and may usapan na kami na after ng two years contract ko, magpapakasal na kami. Planado na lahat — venue, mga ninang at ninong, abay, and even the date. Kami na lang kulang, pero mapaglaro ang tadhana dahil wala pa akong isang taon dito sa Dubai ay tuluyan kaming naghiwalay ni Jan.

Sundan ang kuwento ni Joy dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.