‘Wag mong iwan ang Diyos, hinding-hindi ka Niyan iiwan

April 5, 2021

Hi DJ Raqi, itago mo na lang po ako sa pangalang Ten.

Lumaki ako ng walang ama. Lagi-lagi ko lang kasama sa bahay ang mama at lola ko. Kami lang tatlo kasi hindi rin ako biniyayaan ng mga kapatid, pero kahit papaano, masaya ako. Si Mama ‘yung bumuo ng mga kulang sa pamilya. Naging ama siya, at mga kapatid na maari kong maging kalaro.

Si Mama ‘yung bumubuhay sa amin ni Lola. Isang  siyang mananahi ng damit. Masayahin, maka-Diyos, mapagmahal, maalaga sa magulang, kapatid at anak. Ako naman ay nag-aaral noon. Matanda na rin si lola kaya kina-kailangan na niya may kasama, pero kinakaya pa rin daw nya kaya hindi niya ako pinatigil sa pag-aaral.

Grade 5 ako noon, nag-aaral, nang bigla akong nilagnat. Sobrang taas ng lagnat ko nung time na ‘yun. May kaibigan na classmate ko na pumunta sa amin at sinusundo ako dahil isu-suprise namin ‘yung teacher namin. Pinag-paalam niya ako sa mama ko at tinanong ako ni Mama kung kaya ko daw mag lakad, at sabi ko “Opo, Mama.”

Pumayag si Mama, at nag paalam na ako kay sa kanila ni Lola. Nung natapos na ‘yung klase, umuwi ako kasama ‘yung kaibigan na sumundo sa akin. Habang naglalakad kami, napansin niya na bakit ang liwanag sa bahay  namin. Sabi ko, baka may inaayos at nag putol lang ng mga puno. Nung nasa gate na kami, iniwan na niya ako at umuwi na siya.

Habang papasok ako sa bahay namin, nakita ko si mama na namumugto ang mga mata na parang kagagaling lang sa kaka-iyak. Nung malapit na ko, bigla niya ako niyakap, na pinagtaka ko, ta’s dahan-dahan niya na sinabi sa’kin na iniwan na kami ng Lola ko.

Sa sobrang sakit noon na pinagsisihan ko na sana hindi na lang ako pumasok para nasa tabi ako ni mama nung oras na nanghihina siya. Iyak ng iyak si mama dahil bukod sa nanay niya ‘yun, ay dalawa na lang kami sa bahay ngayon. ‘Di rin nag tagal ay binurol na si Lola. Nagtuloy pa rin kami sa takbo ng aming buhay ni Mama. Hanggang sa lumipas ang mga taon, lumaki ako na pasaway sa kanya dahil lagi ako nasa laruan (hahaha nakaka-miss maging bata).

Grade 6 ako nung nalaman ko na may sakit si Mama. Namamayat siya, parang buto’t balat na lamang. Tapos nahihirapan na siyang huminga. Ubo ng ubo hanggang dinala namin siya sa hospital sa Lung Center. Sinabi na may sakit si Mama sa baga.

Sundan and Secret File Story ni Ten, dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.