Tuwing bago ako matulog, mayroong…

November 1, 2021

Ito ay hango sa totoong pangyayari. Ano mang pagkaka-parehas ng mga pangalan o lugar ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.

Itago mo ‘ko sa pangalang Popoy, at ito ang aking Secret File.

Ang kwentong ito ay nagsimula nang ako ay naging Brgy. Tanod dito sa aming lugar. Normal ang aking pamumuhay. Tandang binata na ako sa kadahilanang ako lang ang nag-iisang anak ng aking mga magulang.

Noong tumanda na sila ng husto ay ako na rin ang nag-alaga sa kanila. Kaya hindi ko na din naisipan pang mag nobya o mag asawa pa.

“Anak, mag-iingat ka sa bago mong trabaho. Maraming masasamang loob dito sa lugar natin.” Paalala sa’kin ng aking inay. Umalis na ako ng bahay at nagtungo na sa Brgy. Hall.

9:00 PM, kasalukuyang humihigop ako ng mainit na kape sa outpost sa madilim na parte ng lugar namin. Dumaan ang isang motor na may sakay na dalawang lalaki. ‘Di ako gaanong nag-abala para usisain kung sino ang mga ‘yun.

Sumunod na nagdaan ang isang babaeng mukhang kagagaling lamang sa trabaho.

 

Sundan ang nakakakilabot na storya ni Popoy, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.