Tuloy pa ba? | Raqi’s Secret Files
March 20, 2023
“Hindi ko alam kung matutuloy pa ang kasal namin. Hindi na ‘ko kinakausap ng fiancé ko.”
Magandang araw po sa lahat ng tagapakinig at tagasuporta sa magandang dilag na si Ms. Raqi. Tagahanga mo po ako. Itago mo ’ko sa pangalang Andrew.
Ayoko sanang gawin ’to, pero baka sakaling mapakinggan ’to ng taong pinakamamahal ko at baka sakali ring maalala niya lahat ng pangako at pangarap namin.
Nagsimula ang lahat sa eskuwela. Kailangang makagawa ako ng paraan para makuha ko ang number niya. Nu’ng makahanap ako ng tiyempo, naglalakad siya sa passage, nilakasan ko ang loob kong sabayan siya para makuha ang number niya. Although magkakilala naman kami, pero hindi kami close ay ibinigay niya ’yung number niya. Pag-uwi ko sa bahay, nag-text agad ako at du’n nagsimula na araw-araw magka-text kami then, hindi nagtagal, sabi ko na baka puwede ko siya maging best friend kasi wala pa ako nagiging best friend na babae. Pumayag siya, madali siyang kausap. Okay lang daw sa kaniya, kaya tuwing weekends na pumupunta siya sa school, hinahatid siya nu’ng family driver nila kasi ’yung bahay nila ay sunod na bayan pa. Ako naman taga-du’n lang sa mismong bayan na ’yun kung saan nandu’n ’yung school namin. Hindi ko matandaan kung anong mayroon bakit halos every Saturday nandu’n sila sa school. Basta ako, pupunta ako kasi nandu’n siya at masaya ako ’pag kasama siya. Kahit mismo ’yung driver ng school, eh, kabisado na. ’Pag dumating siya, sasabihin nu’ng driver na “five minutes.” Ibig sabihin, darating na ako, hanggang sa na-inlove na ako at sinabi ko na “Nandito lang ako, best friend, naghihintay sa’yo.” ’Di nagtagal, ’yun na, third year high school nu’ng sabihin niya sa’kin na simula ngayon, “Girlfriend mo na ako.” Eksakto, nasa tapat kami ng guard house. ’Di ko alam kung bakit tiningnan ko ’yung oras at eksakto na 17:17, September 17, 2012. Nakakatuwa kasi preparatory pa lang kami, kaklase ko na siya at hindi ko inakala na siya pala and maybe, siya ang magiging future wife ko, God willing.
Sino nga ba ang mag-aakalang magkakasundo kami? Siya ay honor student, teacher’s pet, simple, at tahimik. Ako naman, eh, pasaway, playboy daw, sakit ng ulo, at siga. After a year, mayroon siyang ginawang music video para sa first anniversary namin. Sabi niya du’n, sana ako na lang pala noon pa, tapos nandu’n ’yung summary ng mga plano niya para sa’min — after namin maka-graduate ng high school, college, magkaroon ng trabaho, at hanggang sa pagbuo ng pamilya. Parang kung ano ’yung nakalagay du’n, ’yun ’yung mangyayari.
Sundan ang kuwento ni Andrew dito sa Raqi’s Secret Files.
Related Contents
-
Pusong lalaki | Raqi’s Secret Files
June 7, 2023
-
Bawi na lang tayo | Raqi’s Secret Files
June 6, 2023
-
Hihintayin ko pa rin siya | Raqi’s Secret Files
June 5, 2023
Comments