Tirador ng saging

June 18, 2021

Hi DJ Raqi. Avid listener mo ‘ko since 2018. Konti lang palya ko sa pakikinig sa programa mo. Lagi ako naglalaan ng oras para mapakinggan kita. At siympre, palagi ako may time sa panonood sa Youtube ng mga video ng programa mo. Isa ka sa mga inspirasyon ko at isa ka sa lodi ko. Itago mo na lang ako sa pangalang Jessa,at ito ang aking SPG as in Super Pak Ganern Secret Files

Sisimulan ko ang kwento ng aking kapit-bahay na mahilig sa Go Bananas. Hindi ‘yung scratch card na nabibili sa lotto outlet. ‘Yung Go Bananas na nakahiligan ng kapit-bahay ko na itago natin sa pangalang Maritess ay sa puno ng saging mahilig.

Tama, DJ Raqi. Sa dami ng lugar na pwede balik balikan, puno ng saging ang madalas puntahan ni Maritess.

Actually nababalita na rin si Maritess sa aming baranggay dito sa aming probinsya ng Batangas. Usap usapan na ang pagka-hilig niya sa puno ng saging. Kaya nga nabansagan siyang tirador ng saging. O ‘di ba, lakas maka-unggoy sa pagka hilig sa saging?

Fast forward. Isang araw, nagising ako ng madaling araw. Nakaramdam ako na maiihi. ‘Yung banyo namin ay banda sa labas ng bahay. Nakita ko si Maritess na naghahagis ng pandesal sa bintana sa kapitbahay namin na itago natin sa pangalang Manolo.

Takang taka ‘ko sa nakita ko. Bakit sa gano’ng oras gising si Maritess at bakit naghahagis siya ng pandesal kila Manolo? Nagmamadali ako umihi, DJ Raqi dahil gusto ko malaman kung ano ang meron sa pandesal ni Maritess.

Maya-maya, nawala na si Maritess. Nagulat ako nang lumabas ng bahay nila si Manolo.

 

Sundan ang SPG Secret File Story ni Jessa, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.