Tinanggap ko na pangalawa ako

January 13, 2022

Hi DJ Raqi!

Lagi akong nakikinig sa mga stories mo kaya naisip kong i-share ang sa’kin. Itago mo nalang ako sa pangalang Ria, taga Nueva Ecija

March 15, 2018 ng tanungin ako ng friend ko kung gusto kong mag-work sa company na pinapasukan nya and I said yes. Then, March 16, 2018 nagpunta agad ako kasi first time kong malalayo at gustong lumayo dahil that time I was so broken dahil nalaman ko na ‘yung long time boyfriend ko ay my asawa pala. Then fast forward, natanggap agad ako sa company at nagsimula at may nakilala akong guy. Itago natin s’ya sa pangalang Aaron. Sabi ng friend ko ang gwapo raw n’ya, ang lakas ng dating. Pero para sa’kin that time, wala lang s’ya. Walang dating para sa’kin kasi may edad na sya at ‘di ko bet ‘yung may mga edad na.

At ‘yun na nga DJ Raqi, naging magkatrabaho kami. Laging magkasama, laging magkausap, nagkapalagayan ng loob hanggang sa nakikita ko ‘yung sarili ko na parang napo-fall na sa kan’ya. Nakita ko kasi kung gaano s’ya kabait at ka-caring. Sobrang gentleman.

Hanggang sa gusto ko nang hilahin ‘yung mga oras para lang makasama s’ya. Pero nalaman ko na may asawa s’ya DJ Raqi. Nalungkot ako DJ Raqi, ‘di ko alam kung paano ko pipigilan ‘yung feelings ko para sa kan’ya. ‘Yung kahit 2 weeks palang kaming magkakilala nahulog ako sa kan’ya. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na s’ya.

And one day, nagkaayaan kaming uminom ng mga kawork namin sa dorm at kaming dalawa lang ‘yung naiwan DJ Raqi at may nangyaring hindi dapat mangyari. Hindi naman kami lasing pero nangyari ‘yun parehas naming ginusto. Then after that, 2 days s’yang hindi pumasok sa work. Grabe akala ko n’un ayaw na n’ya akong makita, na nagsisisi s’ya kasi nga may asawa s’ya. Kaya hindi na ako umasa. Nagpaalam akong uuwi nalang sa friend ko, lalayo ulit pero bago ako makauwi dumating s’ya at nag usap kami and guess what DJ Raqi? Ayaw n’ya akong umuwi!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.