Tinalikuran ko ang lahat para sa kanya

July 26, 2021

Hi DJ Raqi. Isa ako sa taga-pakinig ng mga Secret File na binabasa mo. At sobra kita hinahangaan dahil sa galing mo mag-basa at dala ng kwento.

Itago mo na lang ako sa pangalang Khielly. I’m 29 years old at may kinakasama na. Dito kami nakatira sa Cavite.

Umpisahan ko ang kwento ko year 2014, taon kung saan ko naka-chat at na-meet ang ex ko na itago mo na lang sa pangalang Prince. Yes po, tungkol po ito sa ex ko. At the age of 23, do’n pa lang ako nagka-BF at siya ‘yung first BF ko. Okay naman ang naging relasyon namin at mabait siya, sweet at kalog.

At dahil nga takot ako mawala siya, I decided na mag-stay na lng ako sa kanila. Opo, lumayas ako sa puder ng magulang ko at wala silang alam kung nasa’n ako. Alam ko mali ‘yun pero tanga po talaga ako ng mga panahon na ‘yun.

Sobra ako natakot na mawala ang ex bf ko dahil he is my first at all. ‘Yun na nga po, do’n na ‘ko sa bahay nila at okay naman ang family niya. Mababait ang mga friend niya na unti-unti ko na rin nakikilala.

Nag 1 year ang relasyon namin at masaya naman ang unang taon. Ando’n ‘yung lagi siya may pasalubong kapag sahod niya. Then one time, isang pangyayari ang ang talagang kinasira ng tiwala ko. Nag-punta ang friend niyang lalaki at hinahanap siya.

“Good eve po, nandiyan po ba si Prince?” Tanong ng friend ng ex ko, si Prince. Nasa labas ako no’n kasama ng mga kapatid niya at sumagot ako run sa lalaki. “Ah, wala pa si Prince eh, bakit?” Tanong ko na medyo nahiya pa.

“Ahm, hinahanap siya ng gf niya at pinasabi mag-meet na lang sila sa dating meeting place.”

Sundan ang Secret File Story ni Khielly, dito sa DJ Raqi’s Secret File.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.