“Tinakpan niya ng panyo ang bunganga ko, saka nila ginawa ang kababuyan sa akin.”

November 10, 2022

“Tinakpan niya ng panyo ang bunganga ko, saka nila ginawa ang kababuyan sa akin.” 

Hi, DJ Raqi! Itago mo na lang ako sa pangalang “Frances,” at ito ang aking Secret File.  

Babae po ako pero napagkakamalang minsan na lalaki dahil sa pangalan ko. 

It all started when I was in first year high school. Nagkaroon po ako ng selective memory lost because of trauma and stress. Naalala ko lang ‘yung araw na nagsimula ang impyerno kong buhay no’ng umuwi ang aking ama galing UAE. Masaya dapat ang araw na iyon kaya lang may nakita ang nanay ko na  ibang babae sa phone ng papa ko. Aminado ako, DJ Raqi, na hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko kasi binura ng bunsong kapatid ni papa ang convo na nakita ng mama ko sa phone. Sinasabi nilang gawa-gawa lang daw po ito ng nanay ko.  

Iniwan kami ng nanay ko sa side ng tatay ko at akala ko ay tapos na pero akala ko lang pala ‘yun. Nagdaan ang taon, DJ Raqi, ginawa nila kaming parang laruan. Pasa rito, pasa ro’n, transfer ng school, lahat na ng puwedeng mangyari sa buhay namin .  

Buong highschool ko, DJ Raqi, iba-iba ng school. Naging masaya na lang ako no’ng third year highschool. Mayro’n akong bestfriend na itago na lang natin sa pangalang “Anika.” One day, sinabi niya sa akin, “Huwag ka na maghanap ng makakasama, ah. Mayro’n na, at kompleto na tayo.” Pinakilala niya ako sa lalaking iyon, siya si Mike, hindi niya tunay na pangalan. Sa totoo lang, DJ Raqi, guwapo at malakas ang dating niya. Binigay ng bestfriend ko ang number ko kay Mike at mula no’n ay may textmate na ako.  

Hindi ko namamalayan ay nahuhulog na pala ako kay Mike. Nagpaalam siya na ligawan ako after three months at sinagot ko siya. Lagi kaming masaya at lagi rin kaming magkasama kapag gumgala since nasa same circle of friends. 

After six months, nagkasakit ako, DJ Raqi. Wala akong ibang kasama sa bahay kun’di ang  katulong namin. Kailangan ko nang maoperahan, nagalit ang tatay ko dahil wala akong kasama sa bahay. Paano na raw kapag namatay ako? Dahil do’n, nilipat ako ng school na malapit sa side ng aking ama. Nawala lahat ng contact ko sa kanila pati na rin kay Mike. Naalala ko bago ako maoperahan pero nakipaghiwalay ako sa kanya bago ako maoperahan kasi natatakot ako na baka maiwan ko siya. 

Fourth year highschool ako ay bagong school na naman, ibang-iba at malungkot ako rito sa school na ‘to. Hatid sundo ako ng lolo ko sa school para lang hindi ako makagala. Mayro’ng sumubok manligaw sa akin, itago na lang natin sa pangalang “Ben” pero sinabi ko agad na wala akong balak dahil nag-aaral ako.  

Natapos ang fourth year ko na tahimik ang buhay. Sa kasal ng tita ko, nakakatuwa dahil nakita ko si Ben. Kilala niya kasi ang mapapangasawa ng tita ko. Dito nagpaalam siya sa tita ko na liliwagan na raw niya ako. Tumungo na lang ako at ngumiti as a joke. Guwapo siya, DJ Raqi, may pagkamayabang nga lang ang galaw at pananalita.  

After 5months na pangliligaw sinagot ko siya. magpapasukan na noon ng collage. Sa baguio ako mag-aaral sa Saint Luis University lahat ng mata ng kamag-anak nakatutok sa akin. Lalo noong nalaman ng lahat na may BF na ako at kakilala nila. Ang daming bad impression sa BF ko Dj Raqi pero dahil napamahal na ako hinayaan ko lang.  

One day after ko siyang sagutin, DJ Raqi, ay nawala na lang siyang parang bula. No call, no show kumbaga. Hinayaan ko lang, kapag may nagtatanong sa akin noon if may BF ako ang lagi kong sagot is “mayro’n na.” 

After six months, aba ang sira ulo nag-text, “Pasensiya ka na, ah, nawala kasi ang phone ko.” Pauwi na ako ng school nang makita ko siya sa may paradahan ng jeep na para bang naghihintay. Nakalimutan ko na nag-text siya. Nilapitan niya ako, “gantong oras na pala ang uwi mo, parang pagod kana” nakatingin lang ako sa kanya. Nag-iba ang katawan niya kumpara noon, at iba na rin ang ayos ng buhok niya. “Anong nangyari sa’yo?” Tinanong ko siya.  “Pumasok ako sa PMA,” sagot niya. Simula noon na gets ko na. Naging okay kami, DJ Raqi, at nagtagal kami. No’ng umabot kami ng three years ay humigpit na siya sa akin. Lagi na niya akong sinusundo at wala akong time na sumama sa lakad ng barkada.  

Naka-graduate na ako DJ Raqi, at agad din akong nagkaroon ng trabaho. Masaya ako dahil tapos na ako mag-aral at buntis pa ako kay Ben. Hindi ko pa nasasabi sa kanyang buntis ako no’ng lumapit sa akin ang security guard ng work, “Nako ma’am kabit ka ata, may naghahanap sa’yong babaeng buntis.” Napaisip ako, paano ako magiging kabit? Hinanap ko ‘yung babae para sana makaharap ko siya at makausap ng maayos. Matagal na pala akong niloloko ni Ben, sinabi ko sa babae na ikakasal na kami. Lumuhod iyong babae sa harap ko, malaki na ang tiyan niya kaysa sa akin, “Ilang buwan na tiyan mo? ” tanong ko. “Seven months na,” sagot niya. Napaiyak na lang ako, DJ Raqi. Nagmamakaawa siya, “Hindi ka pa naman buntis, ipaubaya mo na lang siya sa akin.” Naalala ko na wala pa palang nakakaalam na buntis ako, maliit pa rin kasi ang tiyan ko. 

Pinapunta ko si Ben sa boarding house ko, hindi ko sinabi na nandito ang babae niya nagmamakaawa. Ang bilis, agad siyang nakarating. Tinitigan ko ang mukha niya, at na-confirm ko na kilala niya ang babae. Basa mo sa expression nito na gulat na gulat siya. “Okay, alam ko na ang totoo. You guys may go now, I need to rest na at may pasok pa ako mamaya. Thank you.” ‘Yan ang sinabi ko pero wala akong nakuhang paliwanag, DJ Raqi.  

After 2 months halata na ang tiyan ko pero hindi ako umuuwi sa bahay, as in workmates ko lang ang nakakaalam na buntis ako.  

One night, nag-aayos na ako para pumasok sa work ko, masaya ako, DJ Raqi kasi mabibigyan na ako ng HMO na kasama ang needs ko as a pregnant woman. Biglang may kumatok sa pinto, ang lakas parang emergency. Binuksan ko at nakita ko si Ben, lasing na lasing may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Pinaalis ko siya pero no’ng isasara ko na sana ang pinto, bigla siyang pumasok na may kasamang mga lalaki at lasing silang lahat. Kinabahan na ako kaya pumasok ako ng kwarto para tumawag ng tulong pero mabils niyang nahablot sa akin ang phone ko. Nagmamakaawa ako sa kanya, sinabi ko na rin na buntis ako pero ang sabi niya sa akin, “Naghanap ka agad ng iba? Nagpabuntis ka pa!” Tinakpan niya ng panyo ang bunganga ko, saka nila ginawa ang kababuyan sa akin. DJ Raqi, bawat lalaki na gagalaw sa akin sinasabi ko na buntis ako pero tumatawa lang sila. 

Alamin natin ang mga susunod na mangyayari sa kwento ni Frances dito sa Raqi’s Secret Files.  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.