Three years na ‘kong paulit-ulit na iniiwan

November 3, 2021

Hi DJ Raqi. I want to share my story para mabawasan ‘yung sakit na three years ko nang dinadala; Four years na nga this coming January.

Itago mo ‘ko sa pangalang Cali, and this is my Secret File.

So, I met this guy Markus no’ng 2019. Friend siya no’ng guy friend ko na Criminology. Nag-start kaming magka-kilala no’ng nag-hang out sila nung tropa niya while naka-VC kami nung friend ko. Nataon na low batt ‘yung friend ko that time. Then, we decided na sa phone ni Markus na lang ako tumawag.

Then, ayun. Okay. Hanggang sa siya na mismo tumatawag sa akin. Ok kami for many months. Umuuwi pa ‘ko sa amin 3-4x a month para lang ma-meet siya. From Baguio, bumababa ako ng Isabela for him.

Nag aaral kasi ako noon sa baguio. Then ayOn, one day, nagpaalam siya sa akin na maglalaro sila ng basketball kasama tropa niya which is okay lang naman sa akin kasi every Friday naman nila ‘yun ginagawa.

I waited for many hours pero wala siyang paramdam. Usually kasi pag naglalaro sila around 10 PM, tapos na sila. Pero 11 na no’n, wala pa rin siyang update sa akin.

Until nakita ko ‘yung post nung tropa ni Markus tapos nung tignan ko ‘yung credits, familiar sa akin ‘yung name na parang na-kwento na niya sa akin noon.

 

 

Sundan ang kwento ni Cali, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.