Sinaktan ko ang asawa ko na mahal na mahal ako

September 17, 2021

Totoo pala talaga na makikita mo lang ang halaga ng isang bagay ‘pag nawala na sa’yo; ‘pag hindi mo na siya hawak pa. Isang masugid niyong taga-pakinig ang asawa ko dahil sa iba’t ibang kwento niyang napapakingan. Gano’n kasi talaga ang hilig niya at ito ang nagtulak sa akin para ibahagi ang naging kwento ng buhay ko na sobrang pinagsisisihan ko.

Itago niyo na lang ako sa pangalang John, 26 years old. Alam ko pagkatapos mabasa ang kwento ko, madaming magagalit sa akin o maiinis pero unahan ko na kayo. Sa totoo lang, galit din ako sa sarili ko.

4 years girlfriend ko si Ann, ‘yung asawa ko, hindi niya tunay na pangalan. Nakilala ko siya since magkaklase kami no’ng highschool. Si Ann kasi ‘yung tipo ng babae na gugustuhin ng lahat. Maganda, matalino, mabait at napakabuti ng puso niya.

Sa loob ng 4 years na relasyon namin, pinaramdam niya ‘yung mga bagay na ginagawa ng isang girlfriend. Napakaswerte ko kasi meron akong “siya.”

Siya na palaging umaayos ng gusot ko kapag may nagagawa akong mga bagay na mali at ang tagapag-tanggol ko sa lahat. Hindi ko na kaya na mawalay pa sa kanya kaya nag-decide ako na magpropose sa kanya. Luckily, sinagot niya naman ng oo.

Apat na buwan lang ang nakalipas, pinakasalan ko rin agad siya. Nagsama na kami sa iisang bahay. Noong mga panahon na ‘yon, doon ko mas naramdaman ‘yung pag-aalaga at pag-aasikaso niya sa akin kapag papasok ako sa trabaho tuwing umaga. Higit pa sa pagiging asawa ang pinaparamdam niya sa akin sa loob ng bahay namin.

Araw-araw simula nang magsama kami, palagi kong ipinagdadasal na sana bigyan na kami ng supling pero halos dalawang taon, palagi kaming bigo.

At doon na nagsimula na mawalan ako ng gana sa asawa ko. Doon na nagsimula ang panlolokong ginagawa ko sa asawa ko.

 

 

Sundan ang Secret Files Story ni John, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.