SINABIHAN AKO NG ASAWA KO NG ‘WALA AKONG KWENTANG ASAWA.’

May 2, 2022

Hi DJ Raqi! Matagal ko nang gustong sumulat sa’yo kaso mahaba ang kwento ng biyahe ng buhay ko eh. Ngayon, sumulat ako sa iyo dahil gusto ko lang humingi ng advice dahil ang asawa ko parang nag-iiba na ang ugali hindi na siya ‘yung dating nakilala ko. Simulan ko na ang kwento ko DJ Raqi.

Ako si Jona, 21 years old at married ako. Oo, married ako sa taong akala ko ay fit na sa akin. Nagkakilala kami ng asawa ko na si Eduard noong 16 years old ako. Nagtatrabaho ako noon sa may palamigan at siya ay kalaban ko sa trabaho dahil nagtitinda rin sila ng buko juice. Lumipas ang araw nang napansin ako ni Eduard kalilipat ko lang kasi noon kaya tinulungan niya ako mag-renovate. Ayun, hanggang sa naging close kami at nanligaw nga si Eduard sa akin ng 3 months. Una ko pa lang nakita si Eduard ay hindi naman talaga siya ang gusto ko, ‘yung kasama niya sa trabaho. Pero siya ang nanligaw at pinakita naman niya sa akin na sincere siya. Mabait siya, matulungin at thoughtful din kaso nga lang noong panahon na iyon ay masiyado pa akong bata at ligalig pa sa gawain ng mundo kaya sinagot ko siya kahit na may boyfriend ako. Hindi nagtagal nalaman ng boyfriend ko na mayroon din akong boyfriend sa trabaho ko at nauwi naman ito sa matinding away at doon sila nagkasakitan. Pinaglaban ako ni Eduard, handa siyang masaktan para sa akin. At doon ko na-realize na sobrang worth it niyang mahalin kaya nga nagdesisyon akong iwan ang nobyo ko at sumama na lang kay Eduard. Alam ko maraming magsasabi na ang sama ko pero ‘yun talaga ang nangyari noong sumama ako kay Eduard ay ipinakilala niya ako sa magulang niya at ‘yun nga lang hindi talaga ako tanggap ng nanay niya pero tiniis ko ‘yun ng tiniis hanggang sa naawa sa akin si Eduard kaya doon na lang kami sa bahay namin tumira at kahit na sinabi ng nanay ni Eduard na kapag sumama siya sa akin ay itatakwil siya. Sumama pa rin siya sa akin at pinaglaban ako. Ganu’n katindi ang pagmamahal niya sa akin. Lumipas ang mga buwan na kasama ko siya sa iisang bubong ay umiral na naman ang pagka marupok ko dahil everytime na wala si Eduard ay marami akong ka-chat ka-call at ka-meet. Hindi ko alam na noong panahon na iyon ay nasasaktan ko na pala siya. Doon ko na-realize na talagang hindi ako worth it para sa kaniya. Marami naman akong naging karelasyon bago siya pero naiiba siya. Minahal ko rin siya sa paraang kaya ko. Pero wala eh, bata pa talaga ako noon kaya iniwan ko naman siya nang walang paalam. Sobrang nasaktan ko si Eduard noon kaya nagpakalayo-layo siya at pumunta siya ng Manila. Ako naman ay busy sa pagtatrabaho at nabubuhay sa sariling mundo. Ilang buwan pa ang nakalipas ay nagkita ulit kami dahil sa teknolohiya, nagkita kami noon at narealize ko na mahal ko pa rin pala siya pero sa sakit at pinagdaanan niya sa akin nang tinanong ko siya kung mahal niya pa ba ako ay sagot niya ay ‘Hindi.’ Sobrang nasaktan ako kasi bumalik sa akin ‘yung sakit na ginawa ko sa kaniya. I feel so guilty sa mga panahong ‘yon. ‘Yun ang huling pagkikita at paguusap namin.

Sundan ang kuwento ni Jona dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.