Sana hindi ako nabaliw sa pag-ibig

January 12, 2022

Itago mo nalang ako sa pangalang Mae, DJ Raqi. I am 23 years old now taga Laguna ako DJ Raqi. Strict Ang mommy ko at ang side niya kaya simula grade school to highschool aral lang ako. Aral, bahay at sayaw. Until one day sa aking pagsasayaw nahulog sa’kin ang isa sa mga kaibigan/kagrupo ko. Kaibigan ko siya DJ Raqi. Bestfriend dahil nagsasabihan kami ng mga problema, open ang lahat sa’min. Niligawan niya ‘ko ng mahigit 4 na buwan. May mga past relationships din ako before ko siya nakilala, pero puppy puppy love lang ‘yun. Ang tingin ng tao sa’kin ay babaeng lasangan, babaeng hindi karesperespeto dahil sa mga costumes namin sa mga contest na parang wala nang saplot sa paningin ng tao.

Ito na nga DJ Raqi, fast forward tayo after 4 months naging kami na. Matagal na naman kami magkakilala kaya bakit patatagalin ko pa? Siya ‘yung una, sa kan’ya ako unang nabaliw, first time eh. Nasa kan’ya ang lahat ng 1st ko. ‘Yung pagkakababae ko na akala niya wala na dahil sa mga kilos ko pero siya ang nakakuha. Umabot kami ng halos 2 taon pero ang matino d’un ay mga 7-8 months lang. Oo DJ Raqi, 2 taon pero ‘yung maayos na pagsasama namin ay buwan lang after niya makuha ang minimithi niya. Wala eh, tanga ako alam ko na babaero siya at ganun ang gawain niya na siya naman lagi ang nagkwekwento pero naibigay ko pa rin. Wala eh, mahal ko, minahal ko ng sobra. DJ Raqi sa loob ng pagsasama namin wasak na wasak ako.

Sundan ang kwento ni Mae dito sa Raqi Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.