Sana ay mahintay ko raw siya!

January 13, 2021

Paano nga ba magsimula ulit? Paano nga ba makalimutan ang isang taong itinuring kang iba sa lahat?

Paano ba bumalik sa dati? Ako nga pala si Jo 22 years old. Ilang beses ko nang sinubukan magmahal, marami na akong nakilalang lalake pero may isang tao na hindi nawala sa buhay ko, siya si Eco. HE HAD AT MY WORST. MY GREATEST LOVE.
Nagsimula kami bilang magkaibigan. Alam ko noon pa, siya, may nararamdaman sa’kin pero hindi ko siya p’wede mahalin nu’ng time na ‘yun dahil may ka-relasyon ako that time. Nakikita ko siyang nalulungkot, nasasaktan, sa tuwing makikita niya akong may kasamang iba. Siya ‘yung tipong lalaki na hindi ka kayang saktan. Sweet na tao at kumportable ako kapag kasama siya. Siya lang ‘yung unang lalaki at huli na rumespeto sa’kin. Hindi ko inamin sa kanya na may nararamdaman na rin ako ng time na ‘yun dahil na sa isang relasyon ako noon. Naalala ko pa noon, naki-usap pa ako sa kanya na kung p’wede magmahal muna siya ng iba. Naging girlfriend niya ang bestfriend ko. Nakita ko kung paano siya mahalin ng kaibigan ko at alam ko rin na sumaya siya pero naghiwalay pa rin sila. Kinausap niya ako, sinabi n’yang hindi n’ya talaga kaya. Na, ako talaga ang gusto nya. Napakasakit makitang umiiyak siya dahil sa’kin at ako umiiyak naman dahil sa ibang tao. Broken ako no’n. Dinamayan niya ako, hindi niya ako iniwan. Nagkakatampuhan kami pero sinusuyo ko siya sa tuwing magwa-walkout siya.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Jo sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.