aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner

Salamat, ’nak | Raqi’s Secret Files

May 15, 2023

“Anak, salamat sa hindi mo pagbitaw.”

Naniniwala ako sa kasabihang kung alam mong hindi ka naging mabuting anak sa magulang mo, puwede ka pang bumawi in a way na maging mabuti kang magulang sa anak mo.

Hello, DJ Raqi! Itago mo ako sa pangalang Ash, 23 years old. I’m a single mom. Alam kong maraming manggigigil at manghuhusga sa’kin, and I expect na puro negative ang masasabi sa’kin ng mga Kabisyo natin. This is my Secret File.

This happened in year 2018. Naghiwalay kami ng boyfriend ko na itago natin sa pangalang M.R. No’ng araw na naghiwalay kami, sa totoo lang, sobrang naging pabor sa’kin kasi gusto ko na rin talagang tapusin ’yong relasyon namin. Wala na, eh. Nando’n na kami sa part na kahit pilitin naming isalba, wala na ring pag-asa. Mas pinili na rin naming sumuko kahit kaya pa naming ilaban. No’ng gabi na ’yon, nakatambay kami sa court. Kasama ko ’yong ate ni M.R., actually, nang biglang tinawag ako ng kapatid ko. Sabi niya, “Ate, alam mo na ba ’to?” Sabi ko, “Ang alin?” Sabi niya, “Ito, oh?” sabay bigay sa’kin ng phone niya. Nakita ko ’yong Facebook account ng jowa ko that time. Naka-profile na sa kaniya ’yong girl tapos nakalagay pa sa bio niya. No’ng time na ’yon, naghalo ’yong nararamdman ko. May part na masaya ako kasi siya na ’yong bumitaw. At the same time, nasaktan ako kasi ’di ako prepared kaya pinatawag ko siya sa tropa namin at nag-usap kami. Ginawa ko ’yon para magkaroon kami ng closure. Inamin niya sa’kin na mahal niya na ’yong girl at may nangyari na sa kanila, pero kinontra ko. Sabi ko, “Paano ’to? Hindi pa ako nagkakaroon, one month na.” Sabi niya, “Sus! Hindi ’yan. Magkakaroon ka rin n’yan.” Then, the next month, hindi pa rin ako nagkaroon. Chinat ko ulit siya. ’Yon pa rin ang sinagot niya sa’kin. Hanggang umabot ng three months na ’di pa rin ako nagkakaroon. Gano’n pa rin ang sistema ng mga chat niya sa’kin. 

Two months after naming maghiwalay, parang iba ’yong pakiramdam ko. Parang may mali. Yes, buntis ako. Nabuntis ako ni M.R. Nag-PT ako, positive. Three months na pala ’yong tiyan ko. Nag-chat ako sa ate nya, pinapatawag ko siya para mag-usap kami. Ayaw niya ako harapin. Ang sagot niya lang, paulit-ulit ko na raw ’yon sinasabi sa kaniya. Last chat ko sa kaniya is, “Paano ’to? Nag-positive.” Sabi niya, “Oh, ano gagawin ko?” Sabi ko, “Tapon ko na lang ba ’to?” Sagot niya, “Ikaw bahala.”  Gumuho ako no’n, DJ Raqi. Imagine, pagkatapos niyang magpakasarap para gumawa ng bata, bigla na lang siyang tatakbo sa responsibilidad? Chinat ko ’yong mama niya at ang sagot sa’kin, “’Di ’yan maaako ni M.R., alam mong nag-aaral, eh!” Wala na akong magawa.

Sundan ang kuwento ni Ash dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.