Sabi ng Mama niya baka raw pumangit ang lahi nila

April 28, 2021

Sa K-Drama na pinapanood ko lang noon at mga Disney Princess na kinahihiligan ko, lahat ‘yun, nangyari sa akin sa ‘di ko malaman dahilan.

Hi DJ Raqi. Itago niyo na lang ako sa pangalang Hope. 28 years old, from Laguna. And I’m proud to say that I’m married to a man who may not be perfect, but a loving and caring man I never thought I would have in my life.

Well, nakaka-bwisit mang isipin, ‘di ako maganda at ang asawa kong itago ninyo na lang sa pangalang Tony, gwapo siya. Err, erase pala. Ma-appeal pala siya. Marami namang nagsasabi kasi ‘di naman siya gwapo, ma-porma lang talaga. Ewan ko ba martir ba siya?

Sino ba namang matino ang papatol sa babaeng kagaya ko, ’cause well, he’s 8 years older than me at he’s a lawyer. Diba, yayamanin siya?

Ako, licensed nurse dito sa Laguna while lawyer siya sa ‘di kalakihang lawfirm sa Manila. Matatag naman ‘yon and how did we meet? It’s because of my friend. She’s separated from his husband kaya siya ang naging tulay para sa amin ni Tony.

“Uuyy friend, uuwi ka ba agad sa Laguna after ng work natin dito sa hospital?” ‘Yan ‘yung tanong sa akin ni Kelly, ‘yung best friend ko.

“Oo, marami pa akong gagawin. Alam mo naman, kayod kalabaw para sa future ng tatlo ko pang nag-aaral na kapatid” sagot ko dito. “Paano ka makakapag-asawa kung puro ka na lang trabaho? Halika, samahan mo ako. Pupuntahan natin ‘yung bago kong prospect” sabi nito sa akin kaya natawa ako dahil kada buwan na lang kasi, iba-iba prospect niya kaya natatawa ako lagi kapag sinasabi niya ‘yon.

Well, pumunta nga kami sa lawfirm na sinabi ni Kelly na pupuntahan namin. Ni hindi nga ako tumingin sa salamin kasi nga wala akong pakialam sa kung ano man ang makikita ko sa lugar na ‘yon. I saw a man in a white long sleeve. He was reading something. Ayoko kasi titigan. Malay mo naman kasi, mag-laway ako. Ang hot kasi tingnan kung ganon ang makikita ko.

“Hi Tony. I’m bringing my friend with me. She’s Hope. And Hope, this is Tony, my ex-husband’s best friend” sabi ni Kelly. Nag-hi at hello and then di ko alam kung bakit pagkatapos ng pangyayaring ‘yon, we chatted and texted each other a lot and then we started to go out after few months of being text mates and chat mates.

At oo nga, after 7 long months, we are officially in a boyfriend-girlfriend state. Alam mo ‘yon, nothing’s perfect in a relationship. Talaga naman kasing ganon. I encountered being a jealous girlfriend and an insensitive partner, but at the end of the day, we’re still together and hugging each other even if I know I’m being too childish and immature. For two long years that we’ve been together, I know I can live my life with a man who’s willing to teach me how to handle a relationship.

But in every relationship, there’s always a conflict and that was his mother.

 

Sundan ang Secret File Story ni Hope, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.