Ready na ang lahat, pero bigla siyang umatras

January 15, 2021

Itago niyo ko sa pangalang Chloe.

Galing ako sa isang long term relationship since college. We’ve been together for 9 years at itago natin siya sa pangalang Mark. Madami na kaming napagdaanang ups and downs pero masaya pa rin kami sa isa’t-isa. We used to be best friends, travel buddy, food buddy, enemy, all in one nga sabi nila. We’re already planning to get married last 2018 but unfortunately his father was diagnosed last March with pancreatic cancer so we decided to postponed the wedding at bumalik na ng barko para makatulong sa medications ng papa niya pero another bad news happened June 2018, sinugod sa ospital ‘yung mother ko dahil masakit daw ‘yung t’yan niya pagdating sa ospital. Ang sabi ng doctor, may kidney stones siya and need ilaser. The next morning after i-laser, na-discharge na siya and that night sinugod na naman siya sa ospital dahil sobrang sakit na naman and the doctor run an ultrasound pero that time kinakabahan na ako kasi ultrasound lang pero more than five doctors ‘yung pabalik-balik na tumitingin sa kanya. They talk to us and recommended that she needed to undergo MRI kasi baka daw may galstone siya and after 1 week in the hospital kinausap kami ng doctor, she was diagnosed with galbladder cancer, stage 4. Tinapat niya kami na she only have 3-6 months left to live, sobrang bilis ng mga pangyayari kasi ang sobrang lakas ng mama ko, as per her doctor ‘yung case niya hindi mararamdaman ng patient na may mali sa kanya hangga’t hindi malala. Hindi namin sinabi sa mama ko na cancer ‘yung sakit niya, until ma-discharge siya.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Chloe sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.