Pwede kaming magkaibigan pero never akong kakabit sa kanya

July 19, 2021

 

Hi DJ Raqi. Isa lang naman ako sa mga taong araw-araw na sumusubaybay ng programa mo. Hindi yata natatapos ‘yung araw ko nang hindi ako nakikinig sa mga kwento mo. Pati nga mga workmate ko, nakikinig na rin e. Anyway, itago niyo na lang po ako sa pangalang Sheen, 27 years old, at ito ang aking Secret File.

Single and ready to mingle. Charot! Yes, single pa rin ako hindi dahil sa choosy. Single ako kasi hanggang ngayon, mahal ko pa rin ang ex ko. Mahal sa paraang walang masasaktan dahil alam ko na hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ako.

Umpisahan ko ‘yung kwento. Year 2011 kung kailan ‘yung last na-broken ako then meron dumating sa buhay ko na siyang nagpabago ng lahat. Nakuha niya ‘yung number ko sa pagpapa-load niya sa’kin. Every time na nagpapa-load siya sa’kin, right after no’n, lagi na lang akong may nare-receive na text or call na alam kong galing sa kanya.

Hndi ko naman alam, DJ Raqi bakit konti-konti ko siyang ine-entertain hanggang sa konti-konti na ring nahuhulog ‘yung loob ko sa kanya hanggang sa nagsabi siya na manliligaw daw siya. Ako naman, kesyo galing sa break-up, nagpakipot pa ‘ko and tinignan ko kung kaya ba niyang maghintay hangga’t ok na ako.

Kaya eto na nga, year 2012, nakapasok po siya sa military. 6 months ‘yung training na ‘yun, DJ Raqi, pero siyempre, pasaway siya. Nag-take life siya. Tumatakas siya papunta sa’min para makita lang ako.

So fast forward, naka-graduate na siya sa militar. Na-disptach na siya bago ko siya sinagot. O, ‘di ba? Haba ng hair ng tita mo haha. Almost a year siyang nanligaw sa’kin. So ayun, sobrang saya ng relation namin. Daming surprises as in. Isang taon na ata kami pero wala kaming away, puro naiintindhan na namin ang isa’t isa. As in, sobrang saya.

Year 2013, nagsabi na siya sa’kin na gusto niya na magpakasal at magka-baby so nagsabi siya sa mama ko and sabi naman ng mama ko, basta may ipon na kayo, go na kayo. Pero that time, I’m only 21 years old and parang wala pa akong nagagawa sa buhay. Ni wala pa akong job experience so ang sagot ko sa kanya, ‘pag nag-23 na lang ako para siya, 25.

In short, hIndi natuloy ‘yung kasal. Sobrang saya ng relation namin, DJ Raqi. Siyempre, ‘di mawawala ‘yung tampuhan pero ang goal namin is dapat bago kami matulog sa gabi ay maayos na kami. So, gano’n lagi nangyayari sa’min not until may mga dumating sa buhay namin.

‘Di namin akalain na magagawa namin ‘yun.

 

Sundan ang Secret File Story ni Sheen, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.