Pumayag akong maging kabit

April 6, 2021

Siguro nga kaya tayo nahihirapan gawin ‘yung tama, kasi hindi ito ‘yung magpapasaya sa atin.

Dear DJ Raqi,

Itago mo na lang ako sa pangalang Anne. Sisimulan ko ‘yung kwento ko nung napunta ako dito sa Abroad way back October 2017. First time ko mag-work abroad, ang hirap pala. Ang lungkot. konti lang ‘yung pilipino dito at iba din pala talaga ‘yung lungkot na malayo ka sa Pilipinas. Mabuti na lang at may Internet na ngayon. Ang problema nga lang, ‘yung internet dito, napakamahal. Kailangan mo talaga mag budget para maka-gamit ka ng internet sa tinutuluyan mo.

By the way, sa office pala ako nagwo-work. Isa akong HR Supervisor. Fast forward, ilang days ang lumipas, may nakita akong isang lalaki. Ang pogi. Kamukha niya ‘yung crush kong Artista. Sobra! Mga ilang ligo lang siguro ‘yung lamang no’n. Pero pwede na. Nakikita ko lang siya, pero hindi kami nagpapansinan. Ka-work ko sya. Isa siyang kusinero.

3 years pala ang kontrata ko dito. So akala ko, matagal-tagal ko pa syang makikita, pero no. I checked his 201 file and mage-end na ‘yung contract niya ng September 2018. Ang arte ko, pero nalungkot ako no’n. Wala na akong chance para makilala siya and/or makita pa siya ng matagal.

And then, dumating yung January 2018, may nagyaya sa aking lumabas. He is a manager. Wala lang, stroll lang daw sa town kasi since dumating ako dito, hindi pa ako nakagala. Pumayag naman ako kasi group naman ‘yun. Nagulat ako nung andun siya!! Happy ako kasi magkasama kami kahit ‘di kami nagpapansinan. Basta nakikita ko siya, okay na ‘yun.

Napansin kong makulit pala siyang tao. Malakas sila mag-asaran ng mga tropa niya, pero pansin mo din sa kanyang mabait siya. Fast forward, napasama nga ako sa circle of friends nya thru Manager na nag-invite sa’akin before.

Then, we became friends. Up until hindi na namin namalayan na nagkakaro’n na kami ng feelings sa isa’t isa.

 

Sundan ang Secret File Story ni Anne, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.