Pinsan ko ang kasintahan ko at nabuntis niya pa ako

July 22, 2021

Hi DJ Raqi! Itago mo na lang ako sa pangalang Angel, and this is my Secret File.

3 years ago, 15 years old pa lang ako, nagbu-bulakbol na ‘ko. Hiwalay na kasi sina mama at papa noong 2 years old pa lang ako kaya ‘yun ‘yung ginawa kong rason para lumayas.

One day, nag-inuman kami ng friends ko no’n nang may sinabi sa’kin si Manyrose, friend ko. “Uyy Gel! Sama ka sa’min do’n sa pupuntahan namin! May pinsan ka run ka-apilyedo mo talaga! Kilalanin mo, baka kilala niya tatay mo!!”

Actually, alam ng friends ko na mula no’ng maghiwalay mga magulang ko, never ko pa nakita mukha ng tatay ko. Bata pa kasi ako no’n, ‘di ko na matandaan! Kaya no’ng nalaman kong may ka-apilyedo ako, nagka-interest ako na sumama sa mga kaibigan ko para makilala at matanong nga sa kanya kung kilala niya ba tatay ko.

Then, pinuntahan namin ‘yung lugar at nakilala ko si Kenjie. Ang sabi niya bigla “Hi pinsan.” Wala naman akong masagot kaya nag-nod na lang ako. No’ng gabing ‘yun, do’n ko pa rin nalaman na ‘yung pinsan ko, boyfriend pala ng isang kaibigan ko, si Diana. Nag-enjoy lang ako no’n. hindi ko pa natanong kay Kenjie kung kilala niya ba tatay ko kasi busy siya sa jowa niya. Hinayaan ko lang.

Fast forward naka-uwi na ako sa bahay namin no’n nang may nag-text sa’kin, si Kenjie. “Nice meeting you, Angel. Balik kayo dito next time ha”. Nag-reply naman ako “Nice meeting you, too. sige punta ako riyan ulit ‘pag may time.” In-off ko na cellphone ko kasi matutulog na ako no’n.

Then one time, nalasing ako. Tinext ko ba naman si pinsan ng “Pinsan, mahal mo ba ‘ko?” At sumagot naman siya ng “Pinsan kita. Siyempre, mahal kita bilang pinsan.”

Kinabukasan, nagulat ako sa mga nabasa ko.

 

 

Sundan ang Secret Files Story ni Angel, dito sa DJ Raqi’s Secret File

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.