“Pinipili ko pa rin ang mali kasi doon ako masaya!”

November 21, 2022

“Pinipili ko pa rin ang mali kasi doon ako masaya!” 

“Mahal kita pero ‘di ko siya magawang iwan kasi madaming masasaktan.”Yan ang mga linyang lagi niyang sinasabi sa akin. Hi, DJ Raqi! Itago mo na lang ako sa pangalang “Taba,” at ito ang aking Secret File. 

Year 2016 no’ng pumasok ako sa isang diecasting factory bilang isang operator. Hanggang sa isang araw, may nakilala akong lalaki na itago na lang natin sa pangalang “BJ.” Three months pa lang ako noon sa company na ‘yun nang naging kami. Oo, DJ Raqi, naging kami. Mabuting lalaki si BJ, walang bisyo at pareho kaming Kristiyano. 

Year 2017 naman, nakilala ko si “Ilong,” at workmate din namin siya. In-add niya ‘ko sa FB at nag-send siya sa akin ng picture namin. Nagpa-picture kasi siya sa akin, kaming tatlo ng tropa niya. Request lang daw kasi ‘yun, tapos do’n na nagsimula’t palagi na kami magka-chat.  

One time, may nag-add sa akin na dummy acount. Siyempre ako, ‘di ko naman ina-accept agad ‘pag dummy acount. Nagpakilala siya, “Taba si Ilong ‘to. Pa-accept naman.” Hindi ko akalaing do’n mag-uumpisa ang lahat. So, ayun na nga’t lagi na kaming magka-chat. Alam naman ni BJ na nagkaka-chat kami noon. Okay lang naman sa kanya kaya nakikipag-usap din ako. Hanggang sa tumatagal na nga, napapansin ko na nasasanay na rin akong kausap siya.  

Isang araw nga, eh umamin siya sa akin na crush niya raw ako. May GF din siya kaya sabi ko “Mali ‘to.” At kaya naman iniwasan ko na siya. Napansin niya ‘yung pag-iwas ko sa kanya kaya gumagawa siya ng way para makapag-usap kaming dalawa. Minsan, tumatawag ‘yung tropa niya tapos siya ‘yung makakausap ko. Akala ko kaya kong ‘di na siya kausapin. Akala ko wala lang lahat ‘yun, hindi pala.  

Lumipas ang mga araw, DJ Raqi, at nagyaya na siyang gumala. Hindi naman ako tumanggi kasi hindi naman kami gumagala ng BF kong si BJ. Parang magtropa lang kasi kami at hindi magjowa kaya gusto ko rin naman maranasan gumala.  Madaming beses nga na gumala kami ni Ilong at halos nalibot na namin ‘yung buong Batangas nangg ‘di nalalaman ng mga partner namin. Ilang beses ko na rin sinubukang umiwas sa kanya pero iba siya, ma-mi-miss mo talaga siya. Kaya naman ayun, nagiging marupok ako. Alam kong madami na ang naiinis sa akin ngayon at naiintindihan ko naman kasi kahit ako naiinis din sa sarili ko.   

‘Pag magkaaway kami ng BF ko ay gusto ko lang lumayo at mag-ride kasama siya. Hindi namin namamalayan na pareho na kaming nahuhulog sa isa’t isa. Year 2019 ay nag-decide na akong iwasan na talaga siya, nag-focus na lang ako sa BF ko no’n. At noong November 2019, nalaman kong buntis ako.   

Kanino kaya ang batang dinadala ni Taba? Alamin ang buong kuwento rito sa Raqi’s Secret Files.  

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.