“Pinasok niya, tinutok niya kasi safe naman daw.”

June 10, 2022

“Pinasok niya, tinutok niya kasi safe naman daw.”

Hi DJ Raqi itago mo ko sa pangalang BRENDA mukha lang may damage pero wala ‘no, normal ‘to, mga Kabisyo. At ito ang aking SPG as in Super Pak Ganern Secret Files.

Nangyari ang lahat nung birthday niya, two years na kami mag-jowa pero wala talagang nangyayari as in wala, siguro kasi nirerespeto niya ako bilang girlfriend nya. Ganda ko ‘no?
Akala ko marami kaming niyaya niya sa apartment niya, ‘yun pala sinadya niyang kami lang dalawa. Natuwa ako kasi napaka-romantic ng place. ‘yung feeling na parang ako may birthday sa ginawa niya. May foods at may isang bote ng vodka.
At dahil birthday niya sabi niya baka daw pwede daw pa i-score-in ko siya kahit sa gabi lang na ‘yun.

Sympre natatakot ako DJ Raqi kasi virgin pa ko.
And then wala na rin akong magawa kasi parang gusto ko rin na maging masaya siya sa birthday niya at tsaka sabi nya safe naman daw ang gagawin namin kasi pinakita niya saken ung glow in the dark na hawak nya.
Fast forward natapos na kami kumain at mag inom medyo nahihilo na rin ako.
Sabay na kami nag shower, first time naminq magsabay maligo. Iba talaga pag 1st time, may halong kaba at saya sa pakiramdam. So, habang naliligo kami ni boyfriend, may foreplay muna naganap bago ang totoong bakbakan. LP here LP there, shamcey supsup here shamcey supsup there. Dahil 1st time namin gumawa ng milagro jusko DJ Raqi ‘di ko naiwasang magbasa ng alpabetong pilipino, napa-aeiou na lang ako sa sarap ng pakiramdam pamparampampam, pamparam parampam. kulang na lang pati 123 masabi ko sa kakaibang pakiramdam na ginagawa sakin ni boyfriend.
Pagkalipas ng ilang sandali binuhat niya na ako papunta sa kama ni Rosanna, sa bed of roses sabi nga nila. At doon namin pinagpatuloy ang pag plok plok plok.
Sobrang saya namin ng gabi na ‘yun, kasi alam ko rin sa sarili ko na nabigay ko ung regalong matagal niya nang hinihingi sakin. Wala naman regrets kasi alam ko din na iningatan niya ako, kaya nga gumamit sya ng glow in the dark.

Fast forward, naulit nang naulit ang aming bakbakan magmula ng gabing ‘yun ng birthday niya. Hindi na rin ako nagpa bebe pa tutal matagal na rin naman kami mag jowa at alam ko naman na pino protektahan niya ako.
Pero akala ko safe, akala ko lang pala ang lahat. Kasi after a month lagi ako nahihilo, na parang masusuka. Kinakabahan ako.
Tapos tinanong ko si boyfriend kung sigurado ba siya ginamit nya ung glow in the dark na binili namin sa botica. hindi siya kumibo DJ Raqi, gusto ko umiyak, gusto ko magalit kasi nga kinakabahan na ako pero tuluyan na nga ako naiyak DJ Raqi nung inamin niya na hindi niya ginamit ‘yung glow in the dark. Pananagutan naman daw niya ako kahit anong mangyari.
Kaya napagkasunduan namin nung gabi na ‘yun na magpa-check up na ako sa doctor kasi ‘di ko na talaga maintndindihan nararamdaman ko.
Ikinagulat naming dalawa nung sinabi ng doctor na hindi raw ako buntis.
Nagkatinginan kami ng boyfriend ko parang ‘di namin matanggap na ganun resulta eh lahat na ng signs nararamdaman ko na
Sabi ko doc sigurado po ba kyo?

Sundan ang kwento ni Brenda rito sa Raqi’s SPG Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.