Pinahiya ako, eh! | Raqi’s Secret Files
March 22, 2023
“Pinapahiya ako ng boyfriend ko.”
Gusto kong i-share ’yung story ko kasi gusto kong mapa-realize sa inyo na whatever happens to your life, you need to fight for it. Lahat ng pagsubok na mangyayari sa’yo ay dapat mong kayanin at iyon ang ginawa ko para sa sarili ko, and now this is my Secret File. Ako si Jessica.
I was 17 years old when I met a guy. Itago na lang natin siya sa pangalang Ram. Tall, dark-skinned, pointed nose, magaling mag-basketball, at masipag na tao — ganyan ko siya ilalarawan. Nakilala ko siya sa pinsan ko. Nakikita ko na siya nu’n, pero ’di ko siya pinapansin. First meet namin nu’n, s’yempre, sinundo niya ’ko.
Fast-forward, niligawan niya ako halos one year. Madaming nangyare nu’n. Months passed and one year na kami. Legal na rin kami nu’n sa side niya. Doon na rin ako natutulog sa kanila, but hindi ’yung as in araw-araw na pag-stay do’n and sa gabi niya lang ako nilalabas. Alam niyo ’yung feeling na parang ang pangit pangit mo kaya ’di ka niya ma-ipakita sa public place at parang ikinahihiya ka niya? Yes, ganyan ’yung treatment niya sa’kin. He can’t show me off kahit sa mga tropa niya noon. Ma-pimples kasi akong tao. ’Di straight hair ko, curly siya. ’Di pa ako masyadong pala-ayos nu’n kaya siguro ’yun ang dahilan, but I gave my best para hindi niya na ako ikahiya kahit saan.
Sundan ang kuwento ni Jessica rito sa Raqi’s Secret Files.
Related Contents
-
Pusong lalaki | Raqi’s Secret Files
June 7, 2023
-
Bawi na lang tayo | Raqi’s Secret Files
June 6, 2023
-
Hihintayin ko pa rin siya | Raqi’s Secret Files
June 5, 2023
Comments