Pastor ang BF ko at na-buntis niya ako

June 8, 2021

Hi DJ Raqi! Sana mai-tampok mo itong story ko. Avid fan mo talaga ako eh hihi. So ayon, itago mo na lang ako sa pangalang Charing.  At ito po ang aking Secret File.

Isa po akong member ng Baptist Church dito sa amin at meron po akong BF na Pastor. Yes po, BF as in boyfriend. I know, DJ, sobrang rare ng mga ganito kaya sa lahat ng magagalit sa’kin, pasensya na. Hindi ko na kasi kaya.

So ayon, 1 year and 7 months na po kami ng BF kong Pastor at kung hindi po ako nagkakamali, mag-iisang taon na rin po kaming nagsasama sa iisang bubong. Opo, tama po lahat ng narinig niyo. Hindi pa kami kasal pero nagsasama na kami ng palihim.

DJ, ang hirap pala ng ganitong sitwasyon. As in, sobrang hirap. Hindi ko na alam ano pinasok ko!

By the way, I’m 20 years of age and he’s already 28 years old. Medyo malaki ‘yung gap pero age doesn’t matter, ika nga. May nangyari na po sa’min simula nung 19 years old ako. Actually, hindi ko rin po alam paano kami tumuntong sa ganitong sitwasyon na nagsama na kami sa iisang bubong. HAHAHA. Siguro po ganun talaga kapag once na may nangyare na sa inyo, parang mawawalan na kayo ng pakelam sa mga nangyayari sa paligid niyo.

Wala rin po nangyari sa’ming ligawan. Opo, kasalanan ko, nagpakatanga ako. Pinairal ko kalandian ko kaya nakuha niya ako at sumama ako sa kanya sa isang motel. Hanggang sa nag tuloy-tuloy.

After 2 months, na-buntis po ako. Nalaman ko na lang bigla noong nakaranas ako ng spotting sabay gamit ng PT and ‘yun! Positive! Tinago po naming dalawa ‘yun. No’ng una, sabi niya sa’kin, “Kung gusto mo, panagutan natin ‘yan. I’m more than willing” habang yakap-yakap ako. Pero his actions speak louder than his words.

No’ng mga time na ‘yun, tuloy pa rin siya sa pakikipag-chat sa talagang mahal niya. At ang sakit-sakit para sa’kin no’n, DJ, kasi buntis ako. Wala akong pwedeng pagsabihan. Wala akong pwedeng iyakan. Wala akong pwedeng sandalan.

Pakiramdam ko no’n, iniwanan ako ng lahat. Pati siya! Lalo na siya! 😭 Kahit Kristiyano ako, DJ, ilang beses ko tinangkang magpakamatay noon pero lagi akong pinangungunahan ng takot at mga luha. Hanggang sa isang araw, habang pauwi kami galing church, nagdugo ako. Sobrang baho at sobrang dami, as innnn! Malayo pa lang ‘yung kaibigan ko, na-amoy na niya.

Noong mga time na ‘yun, hindi ko pwede sabihin kay Pastor kasi kausap niya family niya at baka makahalata sila na umiiyak ako sa takot. Kinabukasan, lumapit kami sa kakilala namin na marunong “daw” maghilot, dahil nga sa hindi kami pwedeng pumunta sa hospital together dahil baka may makakita sa’min na ibang tao at mahalata kaming dalawa.

So ayon, pagdating namin sa nanghihilot, sinabi niya na nalaglagan daw ako. So no choice kami kung hindi humanap ng nangra-raspa. Nung mga oras na ‘yun, DJ, sobrang sakit ng loob ko. Gusto kong magwala. Gusto ko mawalan ng nararamdaman, gusto ko bigla na lang ako maglaho, pero hindi pwede kasi wala eh?

Wala ako magagawa. Nung mga oras din na ‘yun, kinwestyon ko ‘yung Panginoon. Sabi ko “Lord, bakit? Bakit nangyayari sa’kin to, Lord? Lord, bakit hindi mo na lang ako kuhanin? Lord, anong ginawa ko? Gusto ko lang naman tumulong sa ministry mo pero bakit ganito naman ka-sakit ‘yung kapalit?” 😭

Dahil sa mga nangyare na yan na-depress ako, graduating ako ng Grade 12 non at hindi na ako makapag focus sa studies ko, nagka-cutting classes nako para tumambay sa isang Park at mag isip-isip don, tumulala maghapon. So ayon, dahil sa mga nangyare muntik lang naman ako hindi naka-graduate, nagkaroon ako ng isang summer at hindi ko tinake dahil ayaw nako suportahan ng mga magulang ko dahil masakit ang loob nila sa ginawa ko. Noon kasi Dj hindi ako ganun e? lagi ako nasa top, hindi man high honor pero hindi ako nawawala sa top students.

Hanggang sa eto na, hindi na ‘ko nakapag-college dahil 2 years na ang lumipas at hindi ko na naite-take ‘yung subject na ‘yun.

Naranasan ko rin ang palipat-lipat ng apartment dahil sa hiya kong bumalik sa bahay namin dahil sa mga ginawa ko. At eto, DJ, hanggang ngayon tuloy pa rin kami nagsasama ni Pastor. Minsan, masaya? Madalas, masakit. Kasi literal na masakit talaga sya magsalita.

Naranasan ko masabihan ng burden, curse, pangit ka, hindi ka maganda, nakakahiya ka, sana namatay ka na lang, gusto na kitang palitan, no choice lang ako, sumpa ka habang buhay, at marami pang iba.

 

Sundan ang Secret File Story ni Charing, dito sa DJ Raqi’s Secret Files

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.