Para hindi masira ang reputasyon niya, ikakasal siya sa lalaking… (Part 2)

April 5, 2022

Napilitan siyang magpakasal kay Jay kahit tutol ang kalooban niya.

Kaya naman pala nagtaka ako bakit sa wedding photo nila ay hindi nakangiti at malungkot ang mga mata ni mamang. Noong una akala ko dahil ganoon talaga ang pictorial sa mga sinaunang panahon. ‘Yung tipong seryoso kang nakatingin sa camera at bawal mag-smile. ‘Yun pala, may mas malalim na dahilan kung bakit ganoon ang aura ng mukha niya sa kaniyang lumang litrato. Dahil habang binibigkas niya ang salitang ‘Si, padre’ at hanggang sa natapos ang seremonya ng kasal, si Charles ang laman ng puso’t isip niya.

Sabi pa ni mamang sa akin, noong unang gabi nila bilang mag-asawa ni papang ay umiyak siya pagkatapos siya nitong galawin. Dahil labag sa kalooban niyang ibigay ang kanyang pagkababae rito sapagkat iningatan niya ang kaniyang sarili upang sana’y ialay ito sa lalaking mahal niya na si Charles.

At ang mga sumunod na gabi naman kapag hindi raw siya pumayag na galawin siya ni Jay ay sinasaktan siya nito. Wala ni isa man sa pamilya ni mamang ang nakakaalam sa mga pangyayari. Tinanong ko siya “Bakit hindi ka nagsumbong sa ama mo?” Sabi niya, “Para ano pa?” Ipinagkanulo na siya ng kaniyang mga magulang sa taong hindi naman niya mahal.

At ang kagustuhan ng ina ni mamang na siya ay manatili kasama nila upang alagaan sila sa pagtanda nila ay hindi naman nangyari, dahil ilang buwan pagkatapos ng kanilang kasal ni Jay ay inilayo siya nito sa kaniyang pamilya at dinala siya nito sa Jolo, Sulu.

Sundan ang part 2 ng kuwento ng lola ni Grace dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.