Pagod na kay erpats | Raqi’s Secret Files
March 16, 2023
“Kapag nagkasakit ka, huwag mong asahan na aalagaan kita…”
Hi, DJ Raqi! Isa ako sa mga masugid mong tagapakinig. Minsan na rin akong nakapagpadala ng Secret File sa’yo at pinalad ako nang nabasa mo ito on-air. Dati, tungkol ang kuwento ko sa pinagdaanan ko sa aking lovelife. Ngayon, ibang parte naman ng buhay ko ang ibabahagi ko. Itago mo ulit ako sa pangalang Rain at ito ang aking Secret File.
Lumaki ako na tila nasa isang broken family. Buong pagkabata ko, hindi ko kasama ang Papa ko. Naiwan lang ako sa Mama ko dahil nagtatrabaho noon sa abroad si Papa. Halos 18 years siyang nasa ibang bansa, kaya masasabi kong hindi ako masyadong attached sa kaniya. Mama ko kasi ang nakagisnan kong magulang. Kumbaga, siya lang ang madalas kong nakikitang kasama ko. Si Papa, umuwi lang minsan noong graduation ko noong high school.
Mukhang bilang lang ang mga alaala ko sa Papa ko. Hindi ko siya masyadong nakakausap. Hindi pa naman kasi uso noon ang mga videocall, kaya bihirang-bihira ko siyang naiisip. Noong kasagsagan ng pandemiya noong August 2020, saka ko lang siya nakasama nang tuluyan. Umuwi kaming lahat sa Laguna kasama ang mga kapatid ko. Medyo nanibago ako sa umpisa dahil tila ngayon ko lang naranasan na magkaroon ng father figure sa bahay namin. Noong mga unang araw niya kasama kami, okay naman kami. Nagkakausap kami, nagkakakuwentuhan. ’Yun nga lang, lumipas ang ilang araw, medyo hindi na nagiging maganda ang samahan namin. Umabot sa puntong nagkakaroon na kami ng pagtatalo. Madalas nasisigawan niya ako, dala marahil na irritable siya. Ewan, hindi ko maipaliwanag. Maayos naman ang pakikitungo ko sa kaniya, pero may pagkabayolente siya kung tratuhin ako bilang anak. Hanggang sa umabot na talaga sa puntong nabato niya ako ng isang bagay na babasagin. Binasag nya ’yun sa harap ko, eh, hindi ko naman maintindihan kung bakit. Du’n pa lang, DJ Raqi, na-trauma na ako nang matindi. Magmula noon, hindi na ako komportableng kasama siya sa iisang bahay.
Sundan ang kuwento ni Rain dito sa Raqi’s Secret Files.
Related Contents
-
Biktima ako ng fake | Raqi’s Secret Files
March 23, 2023
-
Pinahiya ako, eh! | Raqi’s Secret Files
March 22, 2023
-
Kaibigan lang ba talaga? | Raqi’s Secret Files
March 21, 2023
Comments