“Nilabanan niya yung sakit niya para sa’kin. Kaya lang hindi na niya kinaya.”

September 28, 2022

28

“Nilabanan niya yung sakit niya para sa’kin. Kaya lang hindi na niya kinaya.” 

Naalala ko nga ang sinabi niya na ako na lang daw ‘yung reason kaya siya nagpapagamot.  

Hi, DJ Raqi, madalas akong nakasubaybay sa programa mo kahit na working ako, 

Hindi ko in-expect na darating din ‘yung time na pati ‘yung story ko ay mai-i-share ko sa inyo. 

Itago niyo na lang ako sa pangalang “Mer Jhon” at ito ang aking Secret File.  

Pangalawa ako sa apat na magkakapatid. Ako nga pala ‘yung taong simple lang at masayahin. 

I’m working nga pala abroad here in Canada and nag-migrate na kami rito. Alam mo, DJ Raqi, plan ko umuwi no’ng 2020 pero nagka-pandemic. Kaya na-cancel ‘yung flight ko that time, at since pandemic wala akong ibang libangan kun’di maglaro ng mobile games. 

One day habang naglalaro ako, may nakalaro akong girl na itago na lang natin sa pangalang “Iya.” Tatlo silang magkakapatid at pangalawa rin siya kagaya ko. Madalas ko sila kalaro noon kasama ‘yung kapatid niya. Mabait, makukulit, at natutuwa ako sa kanila kasi ang dadaldal nila.  Napansin ko na lang si Iya, especially ‘yung voice niya na mahinhin, eh, malalaman mo talagang mabait siya. 

Oo, aaminin kong  maganda si Iya, ‘yung tipong makikita mo pa lang ‘yung picture niya, eh, masasabi mo talagang mabait siya. Hanggang sa dumating na kinuha ko ‘yung FB account niya at ‘yun niligawan ko siya hanggang sa mahulog na ang loob namin sa isa’t isa. Oo, DJ Raqi, naging kami dahil  lang sa mobile games. Hindi ko in-expect ‘yun na may mga ganon pala, na mai-in love ka dahil lang sa mobile games. 

Fast forward, one month na kami, DJ Raqi, at walang araw na hindi siya naging sweet sa akin. Sobrang alaga niya sa akin at ito ‘yung  madalas niyang sabihin, ”Mahal na mahal ko ikaw, ingatan mo sarili mo lagi, ha.”  

Mas matanda nga pala ako sa kanya ng six years, 25 ako noon at siya naman ay 19 pa lang. 

One day, nag-chat ang nanay niya at may pinagtapat siya sa akin. May malubhang sakit daw ‘yung daughter niya, akala ko noon nagbibiro lang ‘yung mommy niya pero totoo pala. Tinanong niya ako kung okay lang daw ba ‘yun sa akin, nagulat ako at hindi ko alam ‘yung isasagot ko sa mommy niya, pero sabi ko “Okay lang po ‘yun, tita.  Magagamot naman po siya.” After no’n 

pinagtapat sa akin ni Iya ‘yung kanyang sakit, at pinakita niya sa akin ‘yung mga larawan niya na nasa hospital siya, sa pag-opera, pag-chemo, at sinabi niya sa akin that time na siya pala ay isang cancer survivor. 

Nalungkot ako that time, DJ Raqi, at inisip ko ‘yung mga pwedeng mangyari sa kanya kung hanggang kailan ba siya mag tatagal, kung makakayanan niya ba ulit ung sakit niya.   

Fast forward, naging masaya ‘yung relationship namin ni Iya. Talagang super bait niya, super maalaga, at super sweet, basta lahat ng “super” nasa kanya na. 

Alam mo, DJ Raqi, mukha siyang anghel, at ang amo-amo ng mukha niya. Every monthsary namin may pa-cake siya sa akin, mayro’n pang gift, oh, ‘di ba? Malalaman mo talgang love niya ako. 

Isang araw, nagpa-checkup siya about sa health condition niya at napag-alaman namin na active ulit ‘yung kanyang sakit na cancer. Stage 2 na raw at sinabi ng Doctor niya na five years na lang ‘yung gano’ng life span. 

Sa nalaman nilang balita mula sa doctor ni Iya, ano na kaya ang mangyayari sa kanilang masayang pagsasama? Alamin natin dito sa Raqi’s Secret Files.  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.