Nawalan ako ng gana mabuhay pero ngayon, lahat nag-iba

April 3, 2020

“Nawalan ako ng ganang mabuhay noong iniwan ako ng taong mahal ko pero nagiba ang lahat dahil sa pandemic nating kinahaharap.”

Itago niyo ‘ko sa pangalang Knightrider.

Natatandaan ko pa noong unang putok ng virus. Nagtatalo pa kami ng mga kasama ko, sabi ko hinding hinding hindi ako sasampa ng ambulansya. “Nasa kalagitnaan pa ako ng pagmomove on ko eh”, kahit na sabihin kong para bang wala akong ganang mabuhay ay hindi ko naman naisip na magpakamatay. Para bang ang gusto ko lang mangyari ay magmukmok mag-isa sa isang lugar. Isa pa, marami pa rin akong pangarap sa buhay, isa na roon ang makapag-asawa. Na akala ko nga ung ex gf ko na yun. May plano na nga akong mag-propose sa kanya dahil nakikita ko na sa kanya ang future ko. Mahirap mang aminin sa sarili pero siguro a part of me is still hoping na magkabalikan pa kami. Kaya ayaw kong sayangin yung buhay ko. Dahil baka mahawa ako. Baka kami pala talaga.

Pero, darating pala ‘yung araw na isasantabi mo lahat ng nararamdaman mo at emosyon mo. Kasi, ang heartache, hindi nakamamatay. Pero ang COVID-19 virus nakamamatay.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Knightrider sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Holler Box