Natulog ang GF ko sa bahay ng teacher niyang lalaki

March 30, 2021

Hindi ko hilig na mag kwento o sabihin sa iba kung ano talaga ang nararamdaman ko. Kaya dito ko na lang ilalabas ang lahat ng gusto kong sabihin.

Itago niyo ko sa pangalang Victor.

24 years old na ako ngayon pero halos 9 na taon kong hindi naranasan ang buhay binata. 15 years old pa lang kasi ako nag-live in na kami ng girlfriend ko. This is my Secret File.

Nag simula ang lahat noong na-kick out ako sa school namin. Tapos napalipat ako sa ibang school. Nagdaan ang ilang months, nakilala ko siya pero noong nakilala ko siya, may boyfriend pala sya. Kaya hindi ko nalang binalak na ligawan sya Nag daan pa ang ilang months, nabalitaan ko na break na sila.

At dumating naman ang araw ng PROM namin. 3rd year ako, 4th year naman siya. Sakto naman na dapat, ang partner ng 3rd year ay ‘yung mga 4th year. Parang sinadya ng tadhana. Ginawa ko ang lahat para siya ang maging partner ko. Nakipag-kuntyaba pa ako sa mga kaklase niya at teacher na naga-assist sa’min sa araw pa lang ng practice para sa prom. At ayun nga, nangyari ang aking inaasam. Siya ang partner ko sa mismong araw ng prom namin.

Fast Forward. After ng prom, hindi ako nag dalawang-isip na ligawan siya. ‘Di nagtagal, sinagot niya ako. Ewan ko ba kung seryoso siya nung sinagot na niya ako. KasI pakiramdam ko, may nararamdaman pa rin sIya sa ex nya. Pero hindi ko na inintindi ‘yun. Ang mahalaga, masaya ako dahil sino ba namang maga-akala na sasagutin ako ng babaeng akala ko, imposible kong mapasagot.

Lumipas ang madaming araw at buwan, ipinakilala niya na ako sa parents niya. Noong una, ayaw sa’kin ng nanay niya kasi medyo pilosopo ako pero noong nag-tagal, napadalas na ang pag-tulog ko sa kanila at unti-unti na rin ako napamahal sa pamilya niya.
Patuloy namin pinagsaluhan ang aming pagmamahalan habang sa tumagal na ng tumagal, paikot-ikot lang ang senaryo ng relasyon namin. Maga-away, magba-bati, magla-lambingan. Masaya kami noon kahit gano’n kami.

Tapos dumating ‘yung panahon na napatigil siya ng pag-aaral kasi inaalagaan niya ‘yung kapatid niya. Ako naman, nag simula na ako mag trabaho. Medyo napalayo ako sa kanya ng dahil sa trabaho. 2x every 15 days lang ako nakaka-uwi sa kanya. Nangyari pa ngang minsan, may kaibigan siya na biniro na may babae ako sa pinagta-trabahuhan ko. Nagulat na lang ako, nag text siya. Sabi niya, “Manloloko ka. Break na tayo” at madami pang iba.

Ako naman, pinanindigan ko ‘yung sinabi ko sa kanya na wala naman talaga akong babae. Halong galit at lungkot ang naramdaman ko nung mga panahon na ‘yun. Pero mga ilang araw lang, nag bati din kami. Siguro nabigla lang siya nung biniro siya ng kaibigan niya kaya naisip niya na totoo ‘yun.

Fast forward. Mga ilang taon, nagkaroon siya ng trabaho sa unang pagkakataon. At doon nag-simulang mag bago unti-unti ang aming relasyon. Nabalitaan ko sa mga katrabaho niya na pinopormahan siya ng ka-trabaho niya. Ang hindi ko naman inakala, i-entertain ba naman nya. Tapos nag away kami na halos maghiwalay kami. Pero tinanggap ko na lang. Ano ba naman ako para hindi ko siya patawarin. Kasalanan ko din naman siguro kasi napaka-higpit ko sa kanya. Hindi ko alam, nasasakal na pala siya. Pero itinuloy pa rin namin ang aming relasyon.

Isang araw, meron kaming hindi napagka-unawaan. Nag-tagal ang ilang araw na hindi kami okay. Hanggang sa naisip kong buksan ang phone niya at nakita ko sa message:

“I love you. Kumain ka na ba?”

 

Sundan and Secret File Story ni Victor, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.