Nalaman ko ang sikreto ng BF ko

October 13, 2021

Hi Dj Raqi. Itago mo na lang ako sa pangalang Kay, 20 years old from Pangasinan at kasalukuyang kumukuha ng kursong education. Isa ako sa mga taga-hanga mo at lagi akong nakikinig ng Secret Files na binabasa mo. Sa totoo lang, DJ Raqi, hindi ko alam kung papaano ko ito uumpisahan pero ito na nga, uumpisahan ko na ang aking kwento.

May boyfriend ako at itago mo na lang siya sa pangalang Vani. LDR kami ngayon. Nasa Manila ako at siya naman ay nasa Pangasinan. Nakilala ko si Vani dahil iisa ang pinapasukan naming paaralan no’ng nasa highschool pa lamang kami. Hindi kami nag-uusap madalas, DJ Raqi. Madalas ay nakakasalubong ko lang siya pauwi at papasok sa aming paaralan.

Fast forward this month of August 2021, nag-umpisa kaming mag-usap. Siya ang unang nag-chat sa akin. At that time, may sakit ako. No’ng una, hindi ko siya masyado nire-replyan at madalas sini-seen ko lang ang mga message niya hanggang sa araw-araw na kaming magkausap.

Umabot na ng isang buwan ang pag uusap namin, and I found myself smiling. Nahuhulog na ako sa kanya, DJ Raqi.

 

Sundan ang Secret File Story ni Kay, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.