Nakita kong pumasok ang mister ko sa isang motel

April 19, 2022

Isang maganda araw po sa inyo DJ Raqi at sa mga nakikinig po. Hindi ko po alam kung saan ko ba or paano ko sisimulan ‘yung story ko po. Hindi ko po alam kung paano ko ilalahad sa inyo. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Sweet, 24 years old na po ako at may 4 kids. Bale, 3 na lang po kasi ‘yung pangatlong anak ko nasa heaven na po. Itago niyo na lang po sa pangalang Honey ang ka-live-in partner ko. Dito ko po muna sisimulan ‘yung kwento ko.

Last 2018 nagkakilala po kami sa beerhouse at may una po siyang kinakasama pero hiwalay na po sila, 2 years na. May anak po sila isa. Nabuntis niya po ako last 2018. Then, siguro po naglilihi ako that time kaya ayoko sa presensya niya. Nakaisip po ako na ipaampon ‘yung anak niya. Hindi niya po alam na nabuntis niya ako, 2 to 3 months na po tummy ko noon.

Pumunta po ako ng Pampanga kasi doon po ‘yung mag-aampon sana sa magiging anak namin. 5 to 6 months naisip ko po na hindi na lang ituloy ‘yung pagpapaampon kaya bumalik po ako sa kaniya. Nagdududa po siya noon na baka hindi raw sa kaniya ‘yung bata. Ok lang kasi kasalanan ko naman. Ipinakilala niya po ako sa parents niya. Sabi ng parents niya ipakakasal nila kami para wala nang habol ‘yung una niyang kinakasama. Mga ilang buwan po nakalipas, 7 months na si tummy ko bumalik po ‘yung una niyang asawa at nagkabalikan po sila.

Sundan ang kuwento ni Sweet dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.