“Nakatitig siya sa akin nang biglang lumingon siya sa pader na parang may kinakausap.”

November 1, 2022

“Nakatitig siya sa akin nang biglang lumingon siya sa pader na parang may kinakausap.” 

Hi, DJ Raqi! Itago mo na lang ako sa pangalang “Jam,” 20 years old. I came from a well-known family sa aming lugar kaya ‘pag may nangyayaring kahit ano about sa aming pamilya whether good or bad ay kakalat agad sa buong lugar. 

I got pregnant when I was 16, tapos ‘yung boyfriend ko naman ay inuwi ng magulang niya sa kanilang probinsya. When my parents found out, gusto nila na ipalaglag ko ‘yong dinadala ko. Aside from bearing a child out of wedlock ay masyado pa akong bata kaya malaking kahihiyan daw iyon sa aming pamilya.  

Pinahinto ako sa pag-aaral, kinulong nila ako sa bahay at kung anu-anong gamot at halamang-ugat ang pinaiinom nila sa akin. They even forced me to jump sa hagdan kaya dinugo ako. Naging sunod-sunuran lang ako sa kanila dahil takot din ako that time because I know deep inside, gusto ko rin na matanggal iyon and I’m not ready yet for that big responsibility.   

Akala namin ay nalaglag na dahil hindi ako nakakaramdam ng paglilihi o morning sickness na usual na nararamdaman ng isang buntis kaya bumalik ulit ako sa school. 

After three months, napansin ko na unti-unting lumalaki ‘yung tummy ko. So, I told it to my parents kaya pinahinto ulit nila ako sa pag-aaral at hindi na naman pinapalabas ng bahay. I don’t feel anything in my tummy but it keeps getting bigger each day. Dahil hindi effective ‘yung mga pinagawa nila sa akin before, naghanap sila papa ng manghihilot/albularyo na kayang magtanggal ng bata.  

More than four months na akong buntis that time sabi ng albularyo kaya medyo buo na ‘yung bata, pero mahinang-mahina raw ito at baka hindi rin daw magtagal kaya natakot ako.  

 Ini-schedule niya ako agad kinabukasan dahil kailangan na raw agad matanggal ‘yun. 

Pag-uwi namin, nag-impake ako kaagad ng mga gamit ko. I don’t know kung bakit sobra akong natakot maybe because may ilang cases na rin sa amin na namatay after magpalaglag. Kinagabihan, naglayas ako. 

Nagpunta ako sa bahay ng mga kaibigan ko pero walang gustong tumanggap sa akin dahil ayaw daw nila madamay. I had no choice, lumuwas ako sa probinsya nila mama sa Nueva Ecija at nakituloy sa aking lola doon. Todo ang pagalit niya sa akin kung bakit daw ako naglayas, but eventually, humupa rin agad iyon nang sabihin kong buntis ako. In-expect ko na mas lalo siyang magagalit pero parang bumait siya when she found out. She advise me to tell to my parents where I am para hindi sila mag-alala kung nasaan na ako.  

Galit na galit sila papa at sinabing ‘wag na raw ako babalik sa kanila. I cried, I didn’t know na magiging ganoon pala kalaki ang consequence ng nagawa ko or baka karagdagang galit lang iyon dahil mas galit sila sa maaga kong pagbubuntis. 

Kinabukasan ay sinamahan ako ni Lola sa hospital para magpa-check-up. I didn’t tell anything kay lola at sa OB about sa mga pinagagawa namin nila papa. When the doctor found out that I was just 16 at tinakbuhan ng magaling, another pangaral na naman sa akin.  

After akong ma-check, the doctor told me that the baby’s doing fine. I was shocked dahil kabaliktaran iyon ng sinabi ng manghihilot. So, I concluded na hindi totoo ‘yung pinagsasabi nito. Paano nga naman niya malalaman? Sa pamamagitan lang ng haplos-haplos, pahimas-himas at konting pulso-pulso? 

Sa loob ng ilang buwan, si lola lang ang karamay ko hanggang sa tuluyan na akong manganak. Si lola lang ang katulong ko sa pag-aalaga kay baby. I named her “Ma. Therese,” isinunod ko iyon sa pangalan ni lola kaya lalo siyang napamahal sa bata. 

May-may was a cute little girl with white skin, oval face, round eyes, cute nose and rosy little lips. Napaka dali niyang alagaan dahil hindi naman siya iyaking bata. Ang tanging bisyo niya lang ay hindi siya nakakatulog kapag hindi siya nakapatong sa dibdib ko. I found it cute before, until one day when she was already two years old. Kauuwi ko lang galing school at dahil sa pagod, eh, nakaidlip ako then after an hour or two pagising ko nakakumot na ako. There she was, sitting on my tummy staring at me with her round eyes wide open. I found it sweet dahil kahit bata pa siya may ganoon na siyang care sa akin. She used to do that simple thing everytime na makakatulog ako kaya kapag naaalala ko iyong mga pinaggagawa ko before ay sobrang nagsisisi talaga ako. 

But recently, it becomes so different dahil every night ‘pag natutulog na kami, after an hour ay maaalimpungatan ako dahil bigla na lang may kilabot na gagapang sa aking batok at pakiramdam ko may nakatingin sa akin, then there she was, standing near the lamp shade staring at me.  

Sometimes, she’s just sitting on our bed, na parang pinapanood niya ako matulog. “Why are you still up, baby?” I asked her. She’ll just smile back. “Do you need anything?” I asked again, nagkibit-balikat lang siya. “Come on, you need to sleep, it’s late already.” 

Every night kapag maaalimpungatan ako, lagi siyang naroon nakatayo kung hindi malapit sa lampshade habang nakatitig sa akin ay naka-face siya sa wall na parang may kinakausap. Sinabi ko iyon kay lola, sabi niya baka raw nag-sleep-walk lang daw si May-may. Para sure, kinabukasan ay dinala namin siya sa manggagamot/faith healer malapit sa amin. Pagdating namin doon ay wala naman daw kakaiba sa bata, pero kita ko na uneasy siya at parang hindi makatingin ng diretso sa mata ng anak ko.  

Alamin natin ang mga susunod na mangyayari sa kwento ni Jam dito sa Raqi’s Secret Files.  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.