Nakalimutan kong may asawa ako

May 3, 2021

Dear DJ Raqi,

Itago mo ako sa pangalang Lei. Way back 2012, I had this guy friend na ex ng bestfriend ko. Nakilala ko siya bago ako ikasal sa asawa ko (pero name-mention na siya ng BFF ko sa akin) Itago natin siya sa pangalang Art.

2012 lagi siya nangungumusta sa akin thru text. That time, ‘di ko pinapansin mga texts niya ng pangungumusta dahil iniisip ko na baka gusto lang mag reach out dahil alam niya na may communication kami ng bestfriend ko na ex na niya that time na nasa ibang bansa ng mga panahong iyon (umiiwas na rin si BFF sa kanya dahil ‘di maganda ang kanilang past) Iniiwasan ko rin siyang replyan dahil napaka-seloso ng asawa ko. Lagi ko lang nire-reply na “I’m with my hubby” para ‘di na siya mag-text uli. (Binlock ko pa nga ang number niya para di ko na mabasa mga text niya o makatanggap ng tawag mula sa kanya. Ang kulit kasi niya).

Dumating sa point na sinadya pa niya ako sa bahay namin ng asawa ko dahil hindi siya makakuha ng reply galing sa akin. Gulat na gulat ako at nagtataka. Akala ko kung ano na ang sadya niya. Nagtanong siya sa akin ng price list ng mga product na binebenta ko that time. So ako naman, nag bigay.

Fast forward. Nag-exchanging messages na kami. Kwentuhan sa kung ano-ano. Hanggang lagi na lang niyang bukang bibig si BFF. Ako naman, todo advice pa na baka in the end, sila rin. Dahil kahit itanggi niya na naka-move on na siya eh andun pa rin ‘yung doubt ko na mahal pa rin niya si BFF.

Here comes the time na nagpapa-reto na siya sa mga iba kong girl friends na single. So ako naman, ni-reto ko sa isa pa naming BFF. Pero ‘di nagtagal dahil ayaw ni Art ng ganung girl kuno. So tuloy-tuloy pa rin ang communication namin until one time, I’m out of town with my husband at bigla siyang nag-text. Sabi ko “Nasa Bontoc ako kasama ko si hubby ,text you when I’m home”

Then that time na nakauwi na kami ni hubby from Bontoc, umuwi rin si hubby sa kanila. Nakita niya agad ang post ko sa FB na “Home sweet home”. Agad-agad naman siyang nangumusta. Ako naman, nag-reply.

Bigla ko na lang tinanung kung umiinom ba siya. Sagot agad siya ng “Oo”. So sinagot ko rin siya ng “Tara”.

 

Sundan ang Secret File Story ni Lei, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.