“Nakabuntis ako bago maging pari”

November 22, 2022

“Nakabuntis ako bago maging pari” 

 

 

Hi, DJ Raqi! Itago mo na lang ako sa pangalang “Boy.” Bata pa lang ako, lagi na akong laman ng simbahan. Nagse-serve ako bilang isang sakristan at kung minsan nama’y choir. Dahil sa paglilingkod ko sa simbahan, madami akong naging kaibigang seminarista at pari na nag-udyok sa akin na pumasok sa seminaryo. 

 

Hindi naging madali ang buhay ko sa loob ng seminaryo. Kadalasan ay na-ho-home sick ako. Gusto ko nang umuwi para makasama ang mga magulang at kapatid ko pero alam na alam ko sa sarili ko na gusto ko maging pari balang araw. Kaya naman pinagbuti ko ang pag-aaral, wala akong ibang ginawa kun’di mag-focus sa goal ko na maging pari. 

 

Halos 12 years ang formation bago maging pari at one year na lang ay magiging ganap na pari na ako. Kailangan kong lagpasan ang natitirang isang taon. Exam o challenge kumbaga. Sa loob ng isang taon na ‘yun ay hindi ako maglilingkod sa simbahan at kailangan kong mabuhay mag-isa. Required ako maghanap ng trabaho, umupa ng sariling bahay, bumili ng sarili kong pagkain at kung ano-ano pa na nararanasan ng isang tipikal na empleyado. Kabado man ay kailangan kong gawin ito para maipasa ang huling parte ng formation ng pagiging isang pari. 

 

Nag-umpisa ang unang buwan na lumabas ako sa seminaryo. Nakahanap naman agad ako ng trabaho sa isang BPO company sa Taguig. Unang sahod ko ay nakaupa na rin ako ng sariling kuwarto at nakabili ng stocks na makakain. Noong unang tatlong buwan ay puro trabaho at bahay lang ako, hanggang isang araw ay naimbitahan ako sa isang birthday. Birthday ito ng isa sa mga katrabaho ko. Ayaw ko pa nga sana sumama kaso napilit ako at inisip ko na rin, “Libre na sa pagkain.” 

 

Kain, kantahan at may inuman sa birthday na pinuntahan namin. Tahimik lang ako sa tabi nang biglang tumabi sa akin si Jessa. Ka-team ko siya pero hindi naman kami masyadong nag-uusap ‘pag nasa company kaya nagulat ako na tinabihan at kinausap niya ‘ko. 

 

Nagkuwento si Jessa tungkol sa sarili niya at kung ano-ano pa. Medyo nakainom na yata kaya gano’n siya. Habang ‘yung iba kong mga kasama, eh sinimulan na rin akong patagayin. Tumayo ako para mag-CR nang bigla kong naramdaman na nahihilo na ‘ko. Hindi naman kasi ako sanay uminom at alam kong mahina ako sa inuman kaya nagpaalam na ‘kong umuwi. Pumayag naman sila basta isama ko raw si Jessa kasi lasing na.  

 

Fast forward, naihatid ko naman si Jessa sa apartment na tinutuluyan niya at dito naganap ang pinagbabawal. 

 

Alamin ang susunod na mangyayari sa kuwentong ito rito sa Raqi’s Secret Files.   

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.