“Nagsisisi talaga ako na hindi ko man lang siya nabisita.”

May 4, 2022

“Nagsisisi talaga ako na hindi ko man lang siya nabisita.”

Ako ang pinakamalapit pero hindi man lang kita mabisita”

Hi dj raqi! sana mabasa mo po itong secret file ko. Itago mo nalang po ako sa pangalang “mae” taga cebu po at nag-aaral pa. Hilig ko po talagang makinig sa mga stories mo habang nag mo-module nakakinig pa rin ako.

Alam mo dj raqi nagsisisi talaga ako kasi kahit nung buhay pa yung lola ko hindi ko man lang siya mabisita. Nung 1-5 years old ata ako lagi akong dinadala ng tatay ko sa lola ko tapos kukunin niya ako ng hapon, minsan naman dun na ako matutulog. Namimiss ko yung mga araw na yun kasi nung tumira ako sa isa ko pang lola mama ng papa ko hindi na ako masyado bumibisita sa lola ko,  pumupunta lang ako dun pagdadalhin lang ako ng mama ko sa kanila. Naalala ko pa nga kung gaano niya ako kamahal tuwing pupunta ako dun, nilulutuan niya ako o binibilhan niya ako ng pagkain minsan naman patago niya akong bibigyan ng pera. Matagal na rin ng hindi ko siya nabibisita kasi hindi ako papayagan ng aking tatay, nahihiya nalang ako magpakita dun kasi napakalapit lang ng bahay namin sa kanila hindi ko pa mabisita o makamusta lola ko. To make the long story short, 2020 naghiwalay ang parents ko sinabihan ako na sa tuwing linggo lang ako pupunta sa aking mama which is dun din nakatira ang aking lola. Unang linggo ng pagbisita ko sobrang nahihiya ako kasi ngayon lang ako pumunta sa kanila, marami ng okasyon ang namiss ko sakanila tuwing ini-invite ako dahil di ako pinapayagan. Pag dating ko dun nagmano ako kaagad sa mga aunties at uncles ko dun lalo na sa mama at lola ko, si lola ang unang bumungad sa akin at tinanong niya kung kumain naba ako tapos sasabihin ko oo lola tapos na. Sa tuwing nandun ako lagi niya akong kinikwentuhan ng mga bagay-bagay na gusto niyang sabihin sa akin syempre ako makikinig naman. Every sunday ako pumupunta dun after kong magsimba, pagpupunta ako dun lagi niya akong pinupuri sasabihin niya sa akin ”ang ganda naman ng damit mo dai bagay sayo”tapos ako naman ngi-ngiti lang kasi first time kong marinig sa kanya yun. Every sunday magluluto sila ng lechon syempre mapapadami kain ko, lagi niyang sinasabi sa akin na ‘kaon ayaw papasmo’or in tagalog ‘kumain ka wag kang magpapagutom’. Fast forward… nung january 2021 lagi ko talagang kino-convince papa ko na dun ako mag n-new year kasi first time ko mag new year na si lola ang kasama ko kasi lahat ng taon side ng papa ko ang aking kasama at ayun na nga dj raqi napapayag ko si papa na dun mag new year, 3 days ako dun sa kanila at every night pupunta ako ng mcdo para mag order ng pagkain. Dinalhan ko si lola ng mc fillet na burger at sa mama ko naman yung mcfloat.

January 6,2021 nag chat yung pinsan ko sabi niya ‘inday punta ka sa bahay birthday ni lola’ tapos dun agad ko pinalaam kay papa na pupunta ako kela mama kasi birthday ni lola pero dj raq ng pag dating ko para akong naiiya imbis na matuwa kasi birthday ng lola ko. Nakita ko si lola na nakahiga kasi daw nagkasakit siya hindi daw siya maka poo-poo at masakit daw yung tiyan niya. Nung kumain na kami chineck ko si lola kung okay naba siya pero sabi niya hindi pa kaya dinalhan ko siya ng cake kasi nag request siya kasi nga daw gusto niyang tikman yung cake na nabali nila tita.

Fast forward minsan dj raqi pag pumupunta ako sa kanila sasabihin niya ‘naglain man ang akoang lawas dai’ or in tagalog ‘masama pakiramdam ko dai’hindi na naman daw siya maka poo-poo. Pero minsan rin pagdadating ako sa kanila masigla siya nilulutuan niya akong favorite kong adobo e.

April 2021 madalas na masama ang kanyang pakiramdam at dun na ako nag-aalala dj raqi kasi napadalas na. Fast forward… May 2021 lumalala lalo yung sakit ni lola to the point na nagpahospital na si lola. Inadmit si lola sa hospital ang nagbantay sa kaniya is yung tita ko, usap lang kami video call ganun kinukumusta ko siya lagi ko siyang sinasabihan na pagalaing ka la. Tapos one time nagsabi siya sa akin sa video call sabi niya ‘wag gala ng gala ah’ sinabian ko siya ng opo pero may times na hindi ko siya nasunod.

Sundan ang kuwento ni Mae dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.