Nagsisimula pa lang akong bumawi… pero bigla naman siyang kinuha

January 11, 2022

Hi DJ Raqi Terra! Good afternoon to all the listeners! Itago niyo na lang ako sa pangalang Iyah, I’m just 18 and I’m gonna share my life experience with my Lolo, my bravest and strongest Lolo. Ang lolo ko ang pinakamalakas sa lahat ng nakilala ko kasi way back to 2019, January I think, nang maging matamlayin ang lolo ko kasi may iniinda na pala siyang sakit and no one knows about that. Pero going back to the past years, masaya kami kasama siya. Ang lolo ko nga yata ang pinakamalakas mag-inom e’, at ako ang nabili ng sigarilyo niya kasama ko pa ang pinsan ko. At siyempre, natutuwa ako kapag may pera siyang binibigay sa amin at nung nasa Pre-School pa lang ako lagi siya ang kasama ko. Mas close pa nga yata kami ng lolo ko kesa sa tatay ko kasi ang lolo ko ang taga-hatid-sundo ko. And then one time, dumaan kami sa riles ng tren e’ may ilog, ang sabi ko sa kanya “Lolo, naduduling ako.” Sabi ko pa sa kanya 10 years old lang yata ako n’un at tama may fear of heights ako at dahil sa kanya nalaman ko ‘yon. At mabalik tayo sa year 2017, high school na ako n’un umuulan n’ung umuwi ako kasi pang-gabi ang klase namin n’un and dahil sa ulan, bumuka ang black shoes ko and paggising ko n’un ng umaga, maayos na yung sapatos ko, bagong dikit siya and lolo ko ang gumawa n’un, ang lolo ko na kayang ayusin lahat.

Pero mabalik tayo 2019, September that time, he was diagnose with his tongue cancer and he was operated on October but by December that cancer goes to a malignant one. Kaya by January 2020, di na naka-kain ang lolo as in lahat ng pagkain n’ya kailangang i-blender lahat para may laman ‘yung tiyan niya.

Sundan ang kwento ni Iyah dito lang sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.